Sa buong daan, nakikita ni Duan Ling Tian ang pag-asa at pag-aabang mula sa mga mukha ng mga residente ng Relentless Thriving City.
Ito ay ang kanilang paniniwala sa Crimson Wyrm Army!
Paniniwala nila sa Divine Might Marquis!
"Si Tito Nie talaga ay karapat-dapat na tawaging diyos ng digmaan ng Crimson Sky Kingdom… Sa border na ito kung saan madalas ang digmaan, ang kaniyang katanyagan malamang ay hinihigitan pa ang Emperor ng Crimson Sky Kingdom!" Tahimik na naisip ni Duan Ling Tian sa kaniyang puso.
'Di nagtagal, si Duan Ling Tian at ang grupo ng mga istudyante ng Paladin Academy ay sinundan ang 10,000 mga opisyal ng Crimson Wyrm Army at pinasok ang malawak na kampo sa hilagang gilid ng Relentless Thriving City.
Kasama si Duan Ling Tian at ang iba pa, ang lahat ay nakalagay sa iba't ibang tent sa buong kampo.