"Ikatlong antas ng Nascent Soul Stage?" Nanliit ang mga mata ni Duan Ling Tian nang tumingin siya sa nga silweta ng 400 ancient mammoth sa ibabaw ng 'di gaano katandang lalaki sa kaniyang harapan, at ang mga sulok ng kaniyang bibig ay dahan-dahang bumaluktot sa isang anggulo.
Ang 'di gaano katandang lalaki ay may napakalamig na mga mata, at sa paraan ng pagtingin niya kay Duan Ling Tian ay walang bakas ng emosyon.
"Ikaw pala ang patago akong pinapanood simula nitong umaga?" Ang tinig ni Duan Ling Tian ay kalmado, na para bang ang sinasabi niya ay isang bagay na ganap na hindi konektado sa kaniya.
"Tulad ng inaasahan sa numero unong henyo ng Paladin Academy na talagang nagawang mapansin akong pinapanood ka nang patago. Akala ko lubos akong maingat kanina." Bahagyang nagulat ang 'di gaano katandang sundalo nang saglit, dahil hindi niya kailanman naisip na kanina pa siya napansin ni Duan Ling Tian.