Sa labas ng outer City ng Imperial City, sa isag malawak at bakanteng espasyo, ang grupo ng mga istudyanteng may armor ay parang madilim na ulap na binalutan ang lungsod nang magtipon sila na may nakasisindak na paraan na tumatagos sa langit.
"Ito ang hukbong pampalalas? Mukhang mga 10,000 tao lamang… Mukhang kaunti, 'di ba?" Tumingin si Xiao Yu sa grupo ng mga sundalong maayos na magkakapantay na nakatayo sa kalayuan at kumunot ang noo niya.
Tinulak ni Duan Ling Tian ang kaniyang kabayo upang tumungo sa tabi ni Xiao Yu at sinabi niya, na may maliit na ngiti, "Ang mga sundalo ay pinahahalagahan dahil sa kanilang kalidad kaysa sa kanilang bilang."
Nagawa niyang matukoy na ang mga sundalong ito ay ganap na naiiba mula sa ordinaryong mga sundalo, dahil ang bawat isa sa kanila ay naglalabas ng isang matapang na aura. At saka, ang kanilang mga cultivation levey ay halata namang hindi mababa.