Chapter 202 - Pag-alis

Gayunpaman, hindi gumalaw si Xiao yu upang tanggapin ang Spatial Ring na ipinapasa sa kaniya ni Duan Ling Tian. Umiling siya't sinabi, "Duan Ling Tian, masyado itong mahalaga, hindi ko ito maaaring tanggapin. Sa'yo na 'yan, o itago mo para kay Li Fei."

Umiling si Duan Ling Tian at inilapit ang kaniyang kamay upang direktang ipuwersa ang Spatial Ring sa kamay ni Xiao Yu at pagalit na sinabi, "Kapag binigay ko sa iyo ito, eh 'di tanggapin mo. Kailan ka pa naging maselan?"

Kumurap ang mga mata ni Xiao Yu at isang bakas ng pasasalamat ang nagningning sa loob nito. Hindi niya ito tinanggap dahil kapag tinanggap niya ito, eh 'di magmumukha itong peke.

"Salamat." Ngumiti si Xiao Yu kay Duan Ling Tian, at isang bakas ng pag-init ang lumitaw sa kaniyang puso.

Ang isang Spatial Ring ay isang bagay na tanging grade seven weapons craftsmen lamang ang makagagawa.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS