Matapos umalis ng Paladin Academy, naglakad si Duan Ling Tian patungo sa isang tagong iskinita.
Nang walang babala, biglang tumalikod si Duan Ling Tian at tumingin sa dulo ng iskinita, at ang kaniyang mga mata ay nanliit nang magsalita siya sa isang kalmadong tinig. "Labas."
Sa isang iglap, dalawang matandang lalaki ang lumabas, ang kanilang mga mukha ay puno ng pagkagulat, dahil mahirap para sa kanila na isipin kung paano nagawang mapansin ni Duan Ling Tian ang kanilang kinalalagyan.
"Sixth Elder, Eight Elder." Tumango si Duan Ling Tian sa dalawang matandang lalaki. Ang dalawang matandang mga lalaki na ito ay ang Sixth Elder at Eight Elder ng Duan Clan, halata namang pinadala sila rito ng Duan Clan upang protektahan siya.