"Hindi sumisigaw?" Malamig at walang interes ang tinig ni Duan Ling Tian na para bang nagmula ito sa kalaliman ng impyerno. Isang katakot-takot na kagustuhang pumatay ang lumabas sa kaniyang katawan at binalot ang babaeng istudyante.
Kaagad na pakiramdam ng babaeng istudyante ay para bang nasa loob siya ng isang kakila-kilabot na lugar ng labanan at lumitaw ang sindak sa loob ng kaniyang puso bago niya mabilis na sabihin, "Sisigaw ako, sisigaw ako…"
"Subukan mo!" Nagdilim ang mukha ni Tong Li, dahil hindi niya inasahang ang kaniyang alila ay talagang sisigaw, at itinaas niya ang kaniyang kamay bago ihampas ang isang sampal sa babaeng istudyante.
Whoosh!
Sa sandaling ito, ang itim na latigo sa kamay ni Duan Ling Tian ay humampas at bumagsak sa braso ni Tong Li.
Pak!
Kasama ng sigaw ni Tong Li, binawi ni Tong Li ang kaniyang kamay na ngayon ay mayroon ng bumubukol na pasa…