"Itabi niyo ang pilak at umuwi na tayo! Kung ayaw niyong mamatay, huwag niyong hayaang mayroong ikaapat na tao na makaalam ng nangyari ngayong gabi, kasama na ang Divine Might Marquis at inyong mga pamilya." Humkbang nang malaki si Duan Ling Tian at naglakad patungo sa kaniyang sariling bahay.
"Opo, Young Master." Itinabi nina Zhang Qian at Zhao Gang ang pilak bago sumunod kay Duan Ling Tiaan.
Isang kalokohan!
Kung ang nangyari ngayong gabi ay malaman ng iba, hindi nila maiiwasang maging sangkot.
Kahit na marami silang nagawang mahahalagang bagay sa labanan, kahit na sila ay mga pinagkakatiwalaang tagasunod ng Divine Might Marquis… walang pakialam ang Su Clan doon.
Sa oras na iyon, kahit na ang Divine Might Marquis ay baka hindi na sila mapaprotektahan.
Nang kababalik pa lamang ni Duan Ling Tian sa kaniyang tahanan kasama sina Zhang Qian at Zhao Gang at nakabalik na sila sa kanilang mga kwarto upang matulog….