"Smack!" Ang mukha ng Patriarch ng Su Clan, si Su Bo Ya, ay lumubog at ang kaniyang palad ay bumagsak sa patungan ng kaniyang upuan, na nagsasanhi rito na puwersahang magpira-piraso.
Kung natural na talento sa Martial Dao ang pag-uusapan, hinihigitan siya ni Su Tong noong siya ay nasa ganoong edad.
Para sa kaniya, sa ilalim ng pamumuno ni Su Tong, ang Su Clan ay siguradong maaabot ang mas higit na kadakilaan sa hinaharap… Gayunpaman, ngayon ang lahat ay winasak sa mga kamay ng isang ignoranteng bata!
"Patriarch, masyadong masama ang pag-atake ng Duan Ling Tian na iyon; hindi na'tin maaaring hayaan ang bagay na ito!"
"Oo nga, kung hindi siya maparurusahan, paano na'tin paninindigan ang dangal ng ating Su Clan?!"
"Nararapat siyang malubha na parusahan!"
...
Ang lahat ng mga elder ng Su Clan ay puno ng matuwid na galit at walang kapantay na napopoot.