Malalim sa gabi, tinawag ni Duan Ling Tian si Xiong Quan at nagpasa ng isang salansan ng silver sa kaniya.
"Kuhain mo ang 50 milyon na silver na ito ay bilhin ang mga material na hiniling ko sa'yong bilhin noong nakaraan hanggang sa maubos iyan." Utos ni Duan Ling Tian.
50 milyong silver?
Natigilan si Xiong Quan. Saan nakakuha ng ganoong karaming pera ang Young Master?
Gayunpaman, siya ay matalino, kaya hindi siya nagtanong. Magalang niyang itinago ang silver at sinbi, "Opo, Young Master."
Nang bumalik sa kaniyang silid si Duan Ling Tian, ginamit niya ang huling bahagi ng mga materyal na binili noong nakaraan ni Xiong Quan at muling nag-inscribe ng Bone Corrosion Inscription sa kaniyang Violet Myrtle Flexible Sword.
Maaari nang masabi na naranasan na niya ngayon ang lakas Bone Corrosion Inscription!