"Sweetheart?" Namula ang mukha ni Prinsesa Bi Yao.
"Prinsesa, tulad nga lang ng sinabi ng Third Prince; isang laban lang naman ito. Wala kang dapat ipag-alala." Nang sasagutin na sana ni Prinsesa Bi Yao ang Third Prince, naunang magsalita si Duan Ling Tian at pinigil ang kaniyang mga kilos.
Ang walang kapantay na magandang mukha ni Prinsesa Bi Yao ay nanigas at dumaloy ang mga liwanag sa kaniyang kasing linaw ng tubig na mga mata bago ito magkaroon ng pagkalito na nakatuon kay Duan Ling Tian.
Tumango si Duan Ling Tian kay Prinsesa Bi Yao, at ang knaiyang bibig ay bumukas at sumara nang may sabihin siya nang tahimik sa kaniya.
"'Wag kang mag-alala!" Ito ang sinabi nang tahimik ni Duan Ling Tian kay Prinsesa Bi Yao.