Kaharap ang Ferghana Horse na mabilis na patungo sa kaniya, ang mga mata ni Duan Ling Tian ay naging malamig at isinara niya ang kaniyang kanang kamay nang mahigpit; ang mga kalamnan sa kaniyang kamay ay bahagyang lumaki!
Kung ang tao na ito ay tagalang uudyukin ang kaniyang kabayo upang banggain si Duan Ling Tian, eh 'di ayos lang kay Duan Ling Tian na patalsikin ang tao at ang kaniyang kabayo...
Papalapit na ang Ferghana Horse; ilang metro na lamang ang layo nito mula kay Duan Ling Tian.
"Neigh~" Ang binata sa Ferghana Horse ay agad na hinigpitan ang mga tali sa kaniyang kabayo, at ang Ferghana Horse ay tumigil nang isang metro mula kay Duan Ling Tian.
Aroganteng sumulyap ang binata kay Duan Ling Tian gamit ang kaniyang mga mata at sinabi, sa isang nakabababang tono, "Bata, medyo matapang ka. Sinuswerte ka; kung 'di dahil gate ito ng lugar ng Third Prince, baka napatalsik ka na ng aking Crimson Blood at siguradong patay na!"