Chereads / War Sovereign Soaring The Heavens (Tagalog) / Chapter 154 - Ang Pagkikita ng Magkalaban

Chapter 154 - Ang Pagkikita ng Magkalaban

Sa loob ng silid-aralan, nakatayo si Sima Chang Feng sa plataporma at dahan-dahan niyang ikinuwento ang Dao ng pagiging Mastermind. Sa ilalim ng plataporma, natutulog nang mahimbing ang batang may lilang kasuotan, gumagawa ng malinaw na pagkakaiba kumpara sa iba pang 17 na istudyante na masigasig na nakikinig.

"Hindi ba natulog ang Duan Ling Tian na ito kagabi?"

"Natulog siya nang buong tanghali kahapon. Kahit na hindi siya natulog kagabi, hindi naman siguro siya magiging ganito kapagod, 'di ba?"

Tumingin sina Xiao Yu at Xiao Xun kay Duan Ling Tian, na natutulog nang mahimbing, na may mga mukha na puno ng pagkamangha.

"Tama na. Ang lahat sa inyo, maayos niyong pag-isipan ang mga sinabi ko kanina," Sabi ni Sima Chang FEng sa iba pang mga istudyante, pagkatapos ay lumapit siya sa mesa ni Duan Ling Tian bago bahagyang katukin ang mesa. "Sundan mo ako saglit sa labas, Duan Ling Tian."

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS