Matapos matulog ng isa pang hapon, humikab si Duan Ling Tian nang lumabas siya ng Paladin Academy kasama sina Xiao Yu at Xiao Xun.
Matapos makipaghiwalay sa dalawa, si Duan Ling Tian ay tila mayroong napansin. Ang kaniyang malalabong mga mata ay kumislap ng bakas ng liwanag, at isang kutya ang lumitaw sa mga sulok ng kaniyang bibig. Nagkibit-balikat si Duan Ling Tian at hindi direktang umuwi ngunit sa halip at pumunta sa isang tagong kanto bago pumasok sa isang maliit na iskinita.
Whoosh! Whoosh!
Halos sa mismong sandaling pumasok si Duan Ling Tian sa isang maliit na iskinita, dalawang napakabilis na anyo ang mabilis na tumungo sa kaniya mula sa likod bago siya harangan mula sa likod at harap.
"Kailan pa naging aso ng mga disipulo ng Branch Clan ang Duan Clan?" Nanliit ang mga mata ni Duan Ling Tian, tila hindi nagulat sa paglitaw ng dalawang anyo.