"Duan Ling Tian!" Tumango si Duan Ling Tian kay Sima Chang Feng nang siya'y tumugon.
"Duan Ling Tian?" Kumunot ang mga kilay ni Sima Chang Feng. Siya ay bahagyang nagulat. "Isa kang direktang apo ng Duan Clan?"
Bukod kina Xiao Yu at Xiao Xun, ang ibang mga istudyante na medyo kakilala ang Duan Clan ng Imperial City ay tumingin rin kay Duan Ling Tian, dahil ang mga direktang apo ng Duan Clan ng henerasyon na ito ay may parehong pangalan na Ling… Gayunpaman, ang lahat ng mga istudyante, kasama si Sima Chang Feng, ay naramdaman na ito ay bahagyang kakaiba. Kung si Duan Ling Tian ay isa talagang miyembro ng Duan Clan, malamang siya ay hindi lamang isang ordinaryong tao. At saka, ang estratehiya na sinabi niya kanina ay higit pa sa sapat upang patunayan na siya ay matalino at mapamaraan, ang magawang makapasok sa Paladin Academy sa edad na labing-walo ay lubos na bihira rin.