Kumunot ang mga kilay ni Xiao Xun, ngunit tulad nina Duan Ling Tian at Su Li, hindi niya pinansin si Duan Rong, dahil si Duan Rong ay isang disipulo ng Branch Family ng Duan Clan, at malayong maikukumpara sa kaniya kung estado ang pag-uusapan...
"Hindi ko naisip na marami palang babang istudyante rito." Ang mga mata ni Tian Hu ay napunta sa maingay na pangkat ng mga babaeng istudyante na nagtipon-tipon sa kabilang gilid ng malawak na Martial Arts Practice Grounds. Para naman sa mga lalaking istudyante, sila ay nagtipon-tipon malapit sa pangkat ni Duan Ling Tian.
"Alam niyo ba kung bakit tayo nagtipon-tipon dito?" Tanong ni Duan Ling Tian.
"Hindi, eh, sinundan rin lang naman ang mga tao." Umiling si Tian Hu. Silang dalawa ni Su Li malamang ay tulad ni Duan Ling Tian na sinundan ang iba upang makarating dito.