"Nasaan na ang batang iyon?" Ang tatlong 'di gaano katandang ga lalaki ay sinundan ang batang may lilang kasuotan sa isang tagong iskinita, at nang inakala nila na matatamaan na nila ang kanilang target, napansin nila na ang batang may lila naa kasuotan ay naglaho sa hiwalayan ng mga kalsada sa harap.
"Maghiwalay tayo't maghanap!" Sabi ng isang 'di gaano katandang lalaki na may berdeng kasuotan habang ang kaniyang mga mata ay kumutitap ng napakasakim na liwanag. Nang maghihiwalay na ang tatlo at maghahanap...
"Hindi niyo na kailangan pang maghanap." Isang natatamad na tinig ang maririnig sa kanilang harapan, na nagsasanhi sa kanila na manginig na para bang sila ay ginising mula sa isang panaginip.
Kasunod nito, ang kanilang nakita ay ang batang may lilang kasuotan na lumabas mula sa iskinita. Hindi ba ang batang ito ang mismong target na hinahanap nila?