"Ah!" Isang matalim na sakit na nagmula sa kaniyang hita ang naging dahilan upang hindi mapigilan ni Yu Xiang na sunigaw. Ngayon lamang niya napagtanto na lahat ng nangyari sa harapan niya ay totoo, at hindi siya nananaginip...
"Yu Xiang!" Paanong hindi malalaman ni Duan Ling Tian ang iniisip no Yu Xiang pagkatapos niyang makita ang ginagawa nito? Umismid si Duan Ling Tian. "Ngayon, Ano sa tingin mo ang magandang gawin sa iyo? Dapat ko bang ipakita sa dalawa mong mga mata ang dahan-dahang paghiwa ko sa iyong laman at pagpaparamdam sa iyo na mas mahirap pa ang mabuhay kaysa ang mamatay? o bibigyan kita nang mabilis na kamatayan?"
Sa sumunod na sandali, nagulat si Duan Ling Tian sa ginawa ni Yu Xianf!
Putong!
Ang Yu Xiang na ito ay lumuhod at nagsimulang yumuko sa kaniya, ipinagsawalang bahala kahit ang dugong umaagos mula sa kaniyang noo. "Duan Ling Tian, nagmamakaawa ako, palayain mo ako… Ayokong mamatay, ayoko talagang mamatay!"