Ganap na alam ni Duan Ling Tian na ang sakit at lungkot na nararamdaman ng Patriarch at mga elders ay hindi pa mas bababa kaysa sa kaniya… Ngayong mayroon na silang pagkakataong ilabas ang kanilang mga sama ng loob, hinayaan niya ang mga ito na maglabas hangga't gusto ng kanilang mga puso!
"Grand Elder, sa wakas ay maaari ka nang sumalangit nawa. Pagkatapos ng araw na ito, ang Fang Family ay hindi na muling mabubuhay!" Inangat ni Duan Ling Tian ang kaniyang ulo upang tumingin sa kalangitan at nagsalita nang may mata na mayroong liwanag sa loob nito.
'Di nagtagal, ang lahat ng mga nakatataas sa Li Family ay basang-basa sa dugo. Siyempre, ang lahat ng mga ito ay dugo ng mga elder ng Fang Family.
"Salamat, Duan Ling Tian." Ang Patriarch ng Li Family, si Li Nan Feng, at ang mga elder ng Li Family ay yumuko kay Duan Ling Tian.
Ito ang taos-puso nilang pasasalamat!
Kung dahil kay Duan Ling Tian, imposible para sa kanila na maghiganti para sa Grand Elder.