Chapter 98 - ‘Tadhana’

Kumibot ang mga kilay ni Duan Ling Tian.

Si Pei San, ang ikatlong anak ng County Governor ng Swallow Mountain County, ay pinutulan ng braso ni Duan Ling Tian. Hindi niya inaasahan na ang balitang 'yon ay kumalat na. 

Biglaang naisip ni Duan Ling Tian ang isang bagay: walang pader na 'di nagigiba sa mundong ito, lalo na kung ang sasalagin ay isang malaking pasabog na balita na tulad nito.

Bago pa magtagal, inihatid at inihain na ng waiter ang mga pagkain at alak.

Nag-uusap-usap ang pangkat ni Duan Ling Tian habang sila ay kumakain.

"Nabalitaan ko ang tungkol sa ikatlong anak ng County Governor ng Swallow Mountain County na si Pei San. 'Di-umano'y nagtagumpay siya patungo sa ikatlong antas ng Core Formation Stage, samantalang siya'y labing-pitong anyos pa lamang at kinikilalang batag henyo sa Swallow Moutain County,"

Marahang sabi ni Meng Quan habang ang kaniyang mga mata'y kukurap-kurap.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS