Bawat dragon ay may saliwaing kaliskis. Hawakan ito at maaari mo itong ikamatay!
Si Ke Er ay ang saliwaing kaliskis ni Duan Ling Tian...
Nang mapansin ang tingin ni Duan Ling Tian, nanlamig agad ang mga mata ni Li Guang habang sumisigaw sa mababang boses, "Duan Ling Tian, ano ngayon kung walang kwenta ang sinasabi ko? Hindi porket ikaw ang nangunguna sa mga nakababatang henerasyon sa lungsod ng Aurora ay mamaliitn mo na ako?"
"Hindi ako sigurado sa iba, pero ikaw... Mababa talaga ang tingin ko sa iyo."
Ang mga sulok ng labi ni Duan Ling Tian ay kumurba nang may pagkutya.
"Mukhang nililigawan mo si kamatayan ah!"
Bangibi ang ekspresyon ng mukha ni Li Guang habang umatungal.
Bang!
Habang nanaghoy sa ere, inambangan niya ng kamao na puno ng nagsisilabang Origin Energy si Duan Ling Tian. Humagibis ang atake at puspos ng galit nang tumama sa binata.
Sa ibabaw niya, anim na silweta ng ancient mammoths ang nabuo.