"Chi!"
Tiningnan ni He Jun si Duan Ling Tian nang panandalian bago siya ngumisi, "Mayroon pa bang ibang tao sa Aurora City? Ang isang labing-anim na taong gulang na bata ay kayang pumwesto sa taas ng Hidden Dragon List?"
"Hangal, ano naman ngayon kung siya ay labing-anim na taong gulang? Sabihin mo ulit 'yan kung kaya mo nang talunin si Duan Ling Tian."
"Oo, kung hindi mo man lang kayang makakuha ng isang galaw galing kay Duan Ling Tian, isa talagang malaking kahihiyan iyon."
Tinuya siya ng mga karamihan sa manonood.
Ang mukha ni He Jun ay biglang naging nakakatakot.
"Mukhang malaki ang tiwala nila sa'yo.".
Sumulyap si He Jun kay Duan Ling Tian.
Hindi pa rin sumagot si Duan Ling Tian; tila ba hindi niya narinig magsalita si He Jun.
"Bata, kinakausap kita!"
Mayroong nakakatakot na ekspresyon si He Jun. Ito ang unang beses na siya ay hindi pinansin ng isang tao sa ganitong paraan.