"Narinig mo ba lahat?"
Ang mala-anghel na mukha ni Li Fei ay pulang-pula tulad ng isang mansanas.
Ang kamay ni Duan Ling Tian ay dahan-dahan na sinapo ang kaibig-ibig na buhok ng dalagita at sinabi niya sa isang banayad na tinig, "Little Fei, aalagaan kita pagdating ng araw."
"Kung mangangahas ka na apihin ako balang-araw, puputulin ko iyan."
Tiningnan nang masama ni Li Fei si Duan Ling Tian, ang kaniyang kilos ay tila puputulin ang nakababatang kapatid ni Duan Ling Tian.
"Kanino mo natutunan iyan?"
Ang mukha ni Duan Ling Tian ay maputla. Ito ay hindi isang biro.
"Scared?"
Masayang tumawa si Li Fei.
"Bakit pakiramdam ko ay isa akong tupa na pumasok sa yungib ng isang tigre?"
Mapait na tumawa si Duan Ling Tian.
Habang tumitingin sa magandang mata ni Li Fei at maramdaman ang init ng kanyang katawan, nagsimulang mag-init ang ibabang rehiyon ni Duan Ling Tian.
Nang may gagawin na siya.