"Isang tunay na baliw itong si Duan Ling Tian! Kahit na gusto kong imbitahan si Guild Master Su para sa pagkain, hindi niya man gawin ang pabor, pero direkta niya talagang sinabi kay Guild Master Su na 'wag isiping makakakuha ng libreng pagkain."
Nagkaroon ng kakaibang ekspresyon si Li Qiang habang siya'y nakikinig.
At sa kaniyang kinababahala, mapapahamak si Duan Ling Tian...
Nang hindi inaasahan.
"Huwag ka mag-alala, bata, nakakain na ako. Kumain ka lang d'yan at hihintayin kita."
Nagulat si Li Qiang sa kalmadong boses ni Su Mo.
Paano...
Paano ito nangyari!?
Sandamakmak na tanong ang lumitaw sa kaniyang puso.
Hindi ba't Branch Family disciple lang itong si Duan Ling Tian?
Bakit magiging magalang ang Aurora City Alchemist Guild's Guild Master, ang nag-iisang Grade Eight Alchemist sa Aurora City sa kanya?
Hindi niya ito maisip.
Pero nakapagdesisyon na siya sa kaniyang puso.