Chapter 51 - Pag-abante

Bukas na ang Clan Martial Meet.

Nang gabing iyon, may hindi inaasahang panauhin sa bahay nila Duan Ling Tian.

Habang tinitingnan ang bata, bahagyang kiniskis ni Li Shi Shi ang kanyang mga ngipin at sinabi niya sa isang mababang tinig, "Salamat sa pagbibigay ng sword skill na ito sa akin. Kung hindi mo ako tinuruan, hindi ako magkakaroon ng 100% na kumpiyansa na pumasok sa top ten sa Clan Martial meet."

"Top ten sa Clan Martial Meet? Mukhang ang iyong Synchronous Shadow Sword ay nacultivate na sa unang yugto."

Ang bata ay bahagyang nagulat sa ambisyon ni Li Shi Shi.

Kahit na ang lakas ni Li Shi Shi ay ang naglagay sa kanya sa top three sa outer court, ang top ten ng Clan Martial Meet ay nangangailangan ng pakikipagkumpitensya sa maraming mga inner court disciples.

Ang pagnanais na pumasok sa top ten ay hindi madali.

"Oo."

Bahagyang tumango si Li Shi Shi.

"Kung mayroon kang gustong pasalamatan, pasalamatan mo si Ke Er. Dahil sa kanya ay ibinigay ko sa iyo ang sword skill na iyon. Hmm, kung wala ka nang kailangan, babalik na ako sa aking silid upang magcultivate."

Matapos magkibit-balikat, ang bata ay tumalikod at bumalik sa kanyang silid.

Habang tinitingnan ang likod ng bata, ang tingin ni Li Shi Shi ay naging kumplikado at siya ay bahagyang napabuntong-hininga.

"Eh, Ate Shi Shi, nasaan ang Young Master?"

Isang eleganteng at magandang dalagita ang pumasok sa courtyard.

"Siya ay bumalik sa kanyang silid upang magcultivate. Little Sister Ke Er, oras na para ako'y umalis. Salamat. Kung hindi dahil sa iyo, hindi ituturo sa akin ni Duan Ling Tian ang Synchronous Shadow Sword."

Pilit na tumawa si Li Shi Shi bago tumalikod at umalis.

"Ate Shi Shi..."

Napansin ng dalagita na may mali kay Li Shi Shi.

Si Li Rou ay biglang lumabas sa kanyang silid, iniiling ang kanyang ulo matapos magbuntong-hininga habang tinitingnan ang pawalang silweta ni Li Shi Shi.

Bilang isang tao na may karanasan, natural niyang nalaman ang mga saloobin ni Li Shi Shi.

Sa pagdating ng bukang-liwayway sa susunod na araw, dumating sina Duan Ling Tian at Ke Er sa inner court Martial Arts Practice Field.

Ang Clan Martial Meet ay gaganapin dito.

Sa isang sulok ng inner court Martial Arts Practice Field ay makikita ang tatlumpung mga combat arena.

Ang tatlumpung combat arena ay bumubuo ng bilog. Sa gitna ay nakatayo ang isang mataas na plataporma at may mga upuan na nakalagay dito.

Sa harap ng combat arena, maraming tao ang dumagsa.

Kasama ang pagdating ng tatlong may edad na Chief Judges, ang maingay na Martial Arts Practice Field ay natahimik.

Ang tatlong Chief Judges ay ang lahat ng Elder ng Li Clan na nautusan namamahala sa Clan Martial Meet.

Sa likod ng tatlong Chief Judges ay tatlumpung higit pang mga judges; halos lahat ng mga ito ay mga binata.

Ang tatlong Chief Judges ay pinangungunahan ng isang matandang lalaki na may puting kilay.

Napansin ni Duan Ling Tian ang labis na mapanganib na aura na nagmumula sa puting kilay na matandang lalaki.

Nauunawaan ni Duan Ling Tian na ang taong ito ay isang powerhouse.

Sa sobrang lakas ay kayang patayin ang kasalukuyang siya sa pamamagitan lamang ng isang sampal...

"Bilang ang Lead Chief Judge, aking babanggitin ang mga panuntunan para sa Clan Martial Meet ngayong araw... ang 242 na outer court disciples ay hahatiin sa tatlumpung grupo batay sa mga number card sa kanilang mga kamay. Bukod sa unang grupo na may sampung tao, ang mga matitira ay mayroon lamang walong miyembro."

"Ang bawat isa sa tatlumpung mga grupo ay tutukoy ng isang arena master. Para naman sa partikular na mga alituntunin, ipapaala sa inyo ito ng mga judge. Siyempre, kung sa tingin mong ikaw ay minalas at napunta sa isang grupo ng malalakas, magkakaroon ka pa rin ng pagkakataong hamunin ang alinman sa tatlumpung arena master mamaya. Basta ikaw ang mananalo, ikaw ang magiging bagong arena master!"

"Kapag wala nang natitira upang magsimula ng isang hamon, ang tatlumpung arena masters ay magiging inner court disciples."

Nang matapos magsalita ang Lead Chief Judge, ang tatlumpung judge ay nagsimulang hatiin sa grupo ang mga outer court disciples.

Si Duan Ling Tian at Ke Er ay napunta sa parehong grupo.

"Ang mga patakaran na ito ay ayos naman; tinitiyak nila ang pagiging makatarungan."

Si Duan Ling Tian ay bahagyang ngumiti.

Ang number ni Duan Ling Tian ay 77 at ang kay Ke Er naman ay 78. Sila ay inilagay sa ikasampung grupo.

Ang ikasampung grupo ay mayroong walong katao. Mula sa anim, dalawa sa kanila ang nakakikilala kay Duan Ling Tian.

Kanina, nang matalo ni Duan Ling Tian ang nangungunang outer disciple ng Lin Clan, si Lin Qi, nakita ito ng kanilang sariling mga mata.

Nang makasama si Duan Ling Tian dito, sila na ang nanguna at inamin na ang kanilang pagkatalo.

Mula sa apat, wala sa kanila ang kayang labanan ang kahit isang galaw mula kay Duan Ling Tian.

Para naman kay Ke Er, ang kanyang mga kalaban ay hindi magkakaroon ng pagkakataong umatake bago magguhitan ng kanyang Violet Meteorite Flexible Sword ang kanilang mga lalamunan, na naging sanhi ng kanyang mga kalaban na makararanas ng isang ginaw sa kanilang likuran.

Kahit ang mga judge ay hindi makapagsalita.

Ang ikasampung grupo ay may dalawang mga pambihirang tao.

Sa huli, si Ke Er at Duan Ling Tian na ang bahala na tumukoy ang arena master ng ikasampung grupo.

Ang mga titig mula sa mga combat arena ay napunta sa kanilang dalawa.

Sa central high platform.

"Silang dalawa ay hindi pamilyar. Sila ba ay mga disipulo ng branch family?"

Ang isa sa mga Chief Judges ay bahagyang nagulat.

"Sila ay tiyak na mga disipulo ng branch family; silang dalawa ay mula sa Branch Family ng Fresh Breeze Town, at sila ay parehong mga disipulo na may ibang apelyido. Ang isang bata sa kanila ay natalo pa si Lin Qi ng ating Lin Clan noong nakaraan sa pamilihan ng kalakalan."

Ang isa pang Chief Judge ay bahagyang ngumiti.

"Si Lin Qi? Ang bunsong anak na lalaki ng Patriarch ng Lin Clan? Ang pinakamataas na disipulo sa outer court ng Lin Clan, na may lakas na maihahalintulad sa pinakamataas na disipulo ng Li Clan sa outer court na si Li Kuang?"

Ang Chief Judge kanina ay makikitang gumalaw.

"Tama ka, siya iyon."

Ang isa namang Chief Judge ay tumango.

"Isang disipulo ng branch family, at isang disipulo na may ibang apelyido... kaawa-awa."

Ang isang Chief Judge ay napabuntong-hininga.

"Humph! Disipulo ng branch family, disipulo na may ibang apelyido, ano ngayon?! Hangga't hindi nila pinagtataksilan ang ating clan, sila ay mga miyembro ng ating Li Clan."

Umungol ang matandang lalaki na may puting kilay.

Nang marinig ito, ang dalawang Chief Judge agad na natahimik.

Habang nakatayo sa ika-sampung combat arena, seryosong sinabi ni Duan Ling Tian, "Sumusuko na ako."

Naging sanhi ito ng lahat ng tao, pati na ang mga judge, upang mabigo.

Ngunit magkasama naman si Duan Ling Tian at Ke Er; bagaman sila ay nabigo, hindi sila nagulat.

Si Ke Er ay naging arena master para sa ikasampung combat arena.

Pagkalipas ng ilang oras, isang master arena ang lumitaw sa bawat isa sa tatlumpung combat arena.

Bukod kay Ke Er, nakilala ni Duan Ling Tian ang tatlo sa mga master arena.

Sina Li Shi Shi, Li Yuan at Li Xiao.

Ang tatlong Chief Judges na nasa central high platform na napalilibutan ng tatlumpung combat arena ay tumayo.

Ang matandang lalaki na puti ang kilay ay may hindi nababagong ekspresyon nang seryoso niyang sinabi, "Ngayon, ang mga outer court disciples na hindi napili at ayaw sa kanilang sariling grupo ay magkakaroon ng pagkakataong hamunin ang iba pang mga arena master. Kung sila'y manalo, sila ang magiging bagong arena master. Kung sila'y natalo, mawawalan sila ng pagkakataong maging isang inner court disciple."

Agad namang sumiklab ang ingay sa ilalim ng tatlumpung combat arena.

Dahil mayroon lamang silang isang pagkakataong manghamon.

Kailangan nilang gumugol ng ilang oras upang husgahan ang lakas ng bawat isa sa mga master arena bago magsimula ng isang hamon.

Whoosh!

Isang anino ang mabilis na lumipad patungo sa combat arena ng ikalabinlimang grupo, inakit ang mga mata ng lahat ng tao.

"Si Duan Ling Tian!"

Maraming mga outer court disciple ang nakakilala sa anino.

"Si Duan Ling Tian? Ang outer court disciple na natalo ang outer court disciple ng Lin Clan na si Lin Qi, sa pamilihan ng kalakalan? "

"Tama ka, siya iyon!"

"Sa kanyang lakas, ay kaya niya siguro na maging karibal si Li Kuang. Ngunit paano siya natanggal? Huwag mong sabihin sa akin na siya ay natalo ni Li Kuang?"

"Hindi, binigay niya ang posisyon na arena master ng ikasampung grupo sa dalagita na hindi kailanman umaalis sa kanyang tabi, ang dalagita na iyon."

"Napakaganda! At bahagyang mas maganda kaysa sa dating kagandahan ng outer court, si Li Shi Shi."

"Mula pa noong sinaunang panahon, ang mga bayani ay mahihilig sa magagandang mga babae. Hindi nakagugulat na siya ay sumuko."

...

Sa ika-labinlimang combat arena, madilim ang mukha ni Li Xiao.

Hindi niya inasahan si Duan Ling Tian na talagang hahamunin siya. Batay sa kaniyang naiisip, ang desisyon ni Duan Ling Tian ay may layunin!

"Duan Ling Tian!"

Sa labas ng combat arena, ang mga mata ni Li Zhong ay naglabas ng matinding liwanag.

Kahit na laging mababa ang tingin niya kay Li Xiao, kahit na anong mangyari, si Li Xiao pa rin ang kanyang nakababatang kapatid na lalaki; ito ay isang hindi nababagong katotohanan.

"Sumusuko na ako!"

Sa ilalim ng tingin ng lahat, Li Xiao na ang nanguna at inamin ang pagkatalo.

Kahit na ang paligid ay nag-iingay sa galit at ang kanyang mukha ay namula sa kahihiyan, kiniskis pa rin niya ang kanyang mga ngipin at nagtiis.

Sa pamamagitan ng pagsuko ngayon, maaari niyang mapanatili ang kanyang buong lakas upang makipaglaban sa isa pang arena master.

Kung siya ay natalo ni Duan Ling Tian at si Duan Ling Tian ay sadyang bahagyang umaatake nang mas malakas, sa sandaling siya ay mapinsala, ay mawawalan siya ng pagkakataon na maging isang inner court disciple.

"Duan Ling Tian, ​​sa loob ng tatlong araw, ay tuturuan kita ng isang aral."

Si Li Zhong ay malamig na nakatingin kay Duan Ling Tian bago lumakad sa isa pang combat arena kasama si Li Xiao, tinutulungan si Li Xiao na makahanap ng kalaban.

Ang mga mata ni Duan Ling Tian ay bahagyang nanliit bago magsara at ipinahinga ang kanyang isip.

Ang mga hamon sa arena master ay nagpatulay tulad ng isang nagbabagang apoy...

Walang sinuman ang humamon kina Li Kuang, Li Yuan, at Li Shi Shi dahil sila ang mga top three ng outer court. Pagkatapos ng pilitin si Li Xiao na sumuko, walang sinuman ang dumating upang hamunin rin si Duan Ling Tian.

Sa kabilang banda, si Ke Er ay may tatlong tao na isa-isang hinahamon siya.

Gayunpaman, ang kanyang Violet Meteorite Flexible Sword ay laging gumuguhit sa lalamunan ng kalaban sa unang sandali, na nagiging sanhi sa kanyang kalaban na hindi makagalaw.

"Ang dalagita na ito ay parang si Duan Ling Tian; parehas silang pambihira!"

"Mayroon akong pakiramdam na siya ay maaaring mas malakas pa kaysa kay Li Shi Shi."

"Oo, sa harap niya, mapahitsura man o lakas, si Li Shi Shi ay bahagyang mas mababa."

...

Ang ang mga outer court disciples ay nakipagtalakayan sa bawat isa.

Ang ilan sa mga inner court disciples na sumali sa kasiyahan ay bahagya ring namangha nang sila ay sumulyap pa ng isang beses sa dalagita.

"Kapatid An, ang dalagita na ito ay hindi masama. Mula ngayon, ang ating outer court ay magkakaroon ng isa pang babaeng disipulo na ang hitsura at likas na talento ay maaaring maging karibal ng kay Li Fei," sabi ng isang inner court disciple sa bata sa kaniyang tabi.

Si Li Fei, ang pinakamaganda sa inner court.

Ang bata ay may grey na pantaas na may kulay-pilak na lining. Ang kanyang matalim na titig ay napunta sa dalagita at naglabas ng bakas ng kasakiman at pangingibabaw.

"Si Li An!"

"Siya nga iyon!"

...

Nang makita ng nakapaligid na mga outer court disciples ang bata na may grey na damit, hindi nila mapigilan ang kanilang sarili na mapasigaw.

Si Li An, isang sikat na inner court disciple ng Li Clan.

Isang taon na ang nakalilipas, nang si Li An ay labingpitong taong gulang at ang kanyang cultivation ay nasa ika-siyam na antas ng Body Tempering stage, sumali siya sa Clan Martial Meet at nakapasok sa top ten. Sa huli, ang kanyang posisyon ay ang ika-anim, bahgyang mas mababa sa apat na labing-walong taong gulang na Core Formation Stage na bata at isa pang ika-siyam na antas ng Body Tempering na bata na kaniyang kaparehong edad.

Ngayon, sa mga inner court na edad labinsiyam, ang kanyang lakas ay kinikilala ng publiko bilang ikalawa.

Nang magtakipsilim, natapos ang Clan Martial Meet.

Pagkatapos sumuko sa harap ni Duan Ling Tian, ​​matagumpay si Li Xiao na humamon ng ibang arena master.

Ang tatlumpung arena masters ay umabante bilang mga inner court disciples.

Sa isang sandali, maraming mga tao ang umiling at nagbuntong-hininga, at marami ang nakadama ng kalungkutan.

Kabilang sa mga ito, ang ilan ay nasa edad ng labingwalo. Dahil hindi sila maaaring maging mga inner court disciple ngayon, nangangahulugan na mawawalan na sila ng pagkakataong maging mga inner court disciple panghabangbuhay.

Kung sila ay mga disipulo ng branch family, ipapadala sila pabalik sa kani-kanilang mga branch family!

Si Duan Ling Tian at Ke Er ay naglalakad nang balikat sa balikat.

Humawak si Ke Er ang kanyang braso; ang kanyang mukha ay may isang ngiti ng kaligayahan.

Maraming mga titig ng panibugho at inggit ang napunta kay Duan Ling Tian.

"Hmm?"

Biglang napakunot-noo si Duan Ling Tian.

Pagtingin sa harap, sa isang bakanteng puwang na binuksan ng mga tao, nakatayo ang dalawang bata na nasa edad na labing-walo.

Ang bata na may grey na damit na nakatayo sa harap ay tumingin sa kanya na may isang tingin na puno ng poot.

Hindi maintindihan ni Duan Ling Tian kung bakit ang isang tao na hindi niya nakilala ay nakatingin sa kanya nang ganito.

Nang napansin niya ang bata na nakadamit na kulay grey na ang tingin ay lumipat mula sa kanya patungo kay Ke Er, siya ay naliwanagan.

Ang dahilan pala ay si Ke Er.

Si Duan Ling Tian ay hindi mapigilan ang kaniyang sarili na tumawa sa kanyang isipan.