Chereads / War Sovereign Soaring The Heavens (Tagalog) / Chapter 34 - Uhaw Sa Dugong Layuning Pumatay

Chapter 34 - Uhaw Sa Dugong Layuning Pumatay

"Tigil!"

Nang makitang mababawian na ng buhay si Duan Ling Tian kay Duan Ling Xing, isang malakas na sigaw ang dumating mula sa malayo.

Isang higanteng palad na gawa sa Origin Energy ang nagpakita sa hangin, lumipad papalapit, at hinawakan si Duan Ling Xing.

Ang paghampas ng palad ni Duan Ling Xing kay Duan Ling Tian ay agad na tumama sa kawalan.

Ang taong tumulong ay ang taong nanguna sa tatlong taong lumipad papalabas ng Li family audience hall, isang lalaking nasa katamtamang edad na ang mukha ay puno ng dayami.

Sa pagkakataong ito, ang lalaking nasa katamtamang edad ay kumukunot ang noo.

"Nascent Soul stage!"

Ang mga itim ng mata ni Li Nan Feng ay humapit habang sumusunod siya mula sa likuran.

Pagpapalabas ng Origin Energy, isang bagay na ang Nascent Soul at mga matatas na martial artist lamang ang may kakayahan.

"Tian!"

Isang malumanay at matikas na pigura ang lumitaw sa tabi ni Duan Ling Tian.

Matapos suriin ang mga pinsalang natamo ng kaniyang anak, ang malamig na tingin ni Li Rou ay dumapo kay Duan Ling Xing. " Duan Ling Xing, kahit ano pa man, ang anak ko ay iyo pa ring pinsan, at umatake ka talaga ng walang awa!"

Umismid si Duan Ling Xing habang sinasabi ito, sa isang sarkastikong tinig, "Magaling kong third aunt, huwag mong kalimutan, nilumpo ni third uncle ang aking amang si Dantian nang taong iyon, dahilan para maging masakit pa ang buhay ng aking ama kaysa kamatayan. Nais ko lamang magbayad ang aking pinsan ng kaunting interes sa utang na iyon."

"Tama na!"

Ang lalaking nasa katamtamang edad na puno ang mukha ng dayami ay kumunot ang noo at malamig na sumigaw, "Ling Xing, kung nais mong kumilos sa ganoong hindi mapigil na paraan, maari ka ng bumalik sa clan ngayon!"

Tunawa si Duan Ling Xing, "Fourth uncle, hindi na ako magsasalita."

Tumingin si Duan Ling Tian kay Li Nan Feng, nagngangalit ang kaniyang mga ngipin, at sinabi, "Patriarch, bilisan mo at dalhin si Li Xuan para makita si Grand Elder!"

Ngayon lamang napansin ni Li Nan Feng si Li Xuan na nakahiga hindi malayo sa kanila. Nagbago ang kaniyang mukha nang buhatin niya si Li Xuan at lumipad patungo sa tahanan ng Grand Elder.

"Ke Er, Ke Er…"

Sumunod naman ay bumalik sa kaniyang katinuan si Duan Ling Tian at masakit na gumapang patungo kay Ke Er, na gumagapang din patungo sa kaniya. Nang makalapit siya, hinawakan niya ang kamay nito at tinanong, "Ke Er, ayos ka lang ba?"

"Ayos lang ako, Young Master."

Tumango ang dalagita.

Tinulungan ni Li Rou si Duan Ling Tian at Ke Er na makatayo, at huminga siya ng malalim at tumingin sa lalaking nasa katamtamang edad na ang mukha ay puno ng dayami. "Tian, ito ang iyong fourth uncle."

"Ina, hindi ko siya kilala at ayoko siyang makilala!"

Malamig na tumingin si Duan Ling Tian sa lalaking nasa katamtamang edad, puno ang mukha niya ng kawalan ng respeto.

"Tian, huwag kang bastos!"

Ang mga kilay ni Li Rou na hugis willow ay nagsalubong.

"Ina, ang respeto ay isang bagay na ibinibigay sa nakakatanda na karapat dapat para rito… Ang isang taong hindi itinuturing nang patas ang mga nakababata sa kaniya, anong dahilan para respetuhin ko siya?"

Mabilis na binigyan ng malamig at kakaibang tingin ni Duan Ling Tian ang lalaking nasa katamtamang edad.

Simula nang nagpakita siya, ang lalaking nasa katamtamang edad ay hindi pinagalitan si Duan Ling Xing ni isang beses. Ang isang taong hindi patas ay hindi karapat dapat na maging nakatatanda sa kaniya!"

"Fourth Brother, pasensiya na, naispoiled ko si Tian."

Humihingi ng tawad na tumingin si Li Rou sa lalaking nasa katamtamang edad.

"Third sister in law, naiintindihan ko; hindi ko masisisi si Ling Tian."

Huminga nang malalim ang lalaking nasa katamtamang edad bago nagsalita, "Ang nangyari ngayon ay kasalanan ko. Kung hindi ko lang sana ginustong makita si third sister in law nang ako'y mapadaan sa Fresh Breeze Town, hindi sana… Hayaan mo na, aalis na ako."

Humihingi ng tawad na tumingin ang lalaking nasa katamtamang edad kay Duan Ling Tian pagkatapos niya magsalita, at kinuha niya si Duan Ling Xing at umalis.

Bgao umalis si Duan Ling Xing, tiningnan niya nang malamig at kakaiba si Duan Ling Tian. Ang mga gilid ng kaniyang bibig ay may bakas ng pang-aasar at pangungutya.

Crack…crack…crack…crack…crack…

Niyukom nang mahigpit ni Duan Ling Tian ang kaniyang kamao. Ang tunog ng kaniyang mga buto na nagkikiskisan ay tuloy-tuloy na maririnig at sa kaniyang mga mata ay lumilitaw ang layuning pagpatay ng isang uhaw sa dugo.

Sa kaniyang dalawang buhay, ito ang unang pagkakataon na makaranas siya ng ganitong kahihiyan.

Ang ganitong hindi pagkakasundo at galit ay hindi na maaaring maayos.

Hindi magtatagal, pagbabayarin niya si Duan Ling Xing ng isang daang beses, isang libong beses!

Kahit na sino pa si Duan Ling Xing, kahit na ano pa ang kaniyang pagkakakilanlan, estado, o ang kanilang relasyon sa isa't-isa…

Agad na may naalala siya, tumingin si Duan Ling Tian sa kaniyang ina ng may naiinip na ekspresyon, "Ina, pupunta ako sa tahanan ni Grand Elder. Gusto kong makita kung anong kumusta na si Li Xuan."

"Tian, susuportahan ka namin ni Ke Er, umuwi ka muna at magpahinga," nag-aalalang sabi ni Li Rou.

"Ina, alam ko ang mga pinsalang natamo ko. Kailangan ko lang kumuha ng Grade Nine Gold Injury Pill mula kay Grand Elder at magiging ayos din ako. Buhatin mo si Ke Er habang ako naman ay titingnan si Li Xuan at dadalhan ko na rin si Ke Er ng Grade Nine Gold Injury Pill."

Matapos huminga ng malalim, binitiwan ni Duan Ling Tian ang kamay ni Li Rou at marahang naglakad palayo habang nagngangalit ang ngipin.

"Young Master, sasama ako sa iyo," pagmamatigas na sabi ng dalagita.

"Ke Er, sumunod ka sa sinabi ko at umuwi."

Tumingin si Duan Ling Tian sa dalagita ng may seryosong ekspresyon.

Doon lamang tumango ang dalagita. Umuwi siya sa tulong ni Li Rou.

Nang dumating si Duan Ling Tian sa tahanan ng Grand Elder at nakakuha ng Grade Nine Gold Injury Pill mula kay Li Huo ay doon lamang bahagyang gumaling ang kaniyang mga pinsala.

Ngunit agad niyang napansin na ang mukha ni Li Huo ay sandaling pumangit, na naging dahilan para tumalon ang kaniyang puso. "Grand Elder, kumusta ang mga pinsala ni Li Xuan?"

"Xuan!"

Nang sasagot na sana si Li Huo kay Duan Ling Tian, isang pigura ang lumitaw nang mabilis sa loob ng kwarto na parang isang hangin. Nang mapansin nya ang walang malay na si Li Xuan, pumangit ang kaniyang ekspresyon. Tumingin siya kay Li Huo at sinabi, "Grand Elder, ang aking anak…"

"Sa kabutihang palad, ang batang ito ay may makapal na balat at laman. Ang kaniyang lamang-loob ay hindi napinsala, ngunit ang kaniyang buto sa dibdib ay halos durog na, kaya't natatakot akong hindi na siya magtatagal…"

Bumuntong hininga si Li Huo.

"Ano?"

Ang mga mukha ni Duan Ling Tian at Fifth Elder ay tuluyang nagbago ang ekspresyon.

"Grand Elder, may paraan pa ba para maligtas siya?"

Tumingin si Li Ting kay Li Huo. Ang puso niya ay nag-aapoy sa pangangamba.

"Makaliligtas siya kung bibigyan natin siya ng Bone Formation Pill, ngunit ang pill na ito ay tuluyan ng naglaho ilang taon na ang nakalilipas; nakita ko lamang ito na nakasulat sa ilang lumang libro."

Walang pag-asang umiling si Li Huo.

Bone Formation Pill?

Nang marinig niya ito, agad na naghanap si Duan Ling Tian sa alaala ng Rebirth Martial Emperor.

Sa huli ay nahanap niya nag medicinal formula para sa Bone Formation Pill.

Tumingin si Duan Ling Tian kay Li Huo at sinabi," Grand Elder, mayroon po akong medicinal formula ng Bone Formation Pill!"

"Mahusay!" masayang sabi ni Li Ting. "Ngunit huwag ka magsaya nang maaga. Ang Bone Formation Pill ay isang grade eight medicinal pill, kaya't isang grade eight alchemist o mas mataas pa ang may kayang gumawa nito. Kahit mayroon akong medicinal formula, wala akong kakayahan para gumawa nito…"

Huminga ng malalim si Li Huo, ang pagkakaiba ng isang Grade Eight Alchemist at isang Grade Nine Alchemist ay parang pagkakaiba ng langit at lupa.

Sumunod ay tumingin si Li Huo kay Duan Ling Tian, "Bata, sa loob ng tatlong araw, kaya mo bang makausap ang iyong guro?"

Guro?

Nagulat si Duan Ling Tian.

Ang Grade Seven Alchemist na guro niya ay gawa-gawa lamang; ang taong iyon ay wala sa mundong ito.

Tumawa lamang siya ng mapait. "Grand Elder, ang aking guro ay masikreto tungkol sa kaniyang kinaroroonan. Pagkatapos ipasa sa akin ang mga medicinal formula, umalis siya sa Fresh Breeze Town at wala akong alam na paraan para mahanap siya."

"Kung ganoon ay wala akong magagawa." Umiling at huminga ng malalim si Li Huo.

"Grand Elder, gaano pa katagal ang itatagal ng aking anak,?" tanong ni Li Ting.

"Mga tatlong araw pa." sagot ni Li Huo.

"Tatlong araw?" nagbago ang mukha ni Li Ting. "Masyadong maikli ang tatlong araw. Hindi iyon sapat na oras upang ipagbigay alam ito sa kaniyang lolo… Grand Elder, may paraan pa ba para mapahaba ang kaniyang buhay?"

"Wala akong kapangyarihan." Umiling si Li Huo.

"May posible akong paraan," sabi ni Duan Ling Tian bago tumingin kay Li Ting. "Fifth Elder, maaari kong subukang pahabain ang nalalabing oras nang isang buwan, ngunit kaya ba ng lolo ni Li Xuan na makahanap ng isang Grade Eight Alchemist sa loob lamang ng maikling panahon?"

Matagal nang napagtanto ni Duan Ling Tian na ang lolo ni Li Xuan ay hindi ordinaryong tao, hindi na rin nakagugulat kung kaya nitong mag-imbita ng isang Grade Eight Alchemist.

"Hindi ko kailangan ng isang buwan, sapat na ang kalahating buwan! Ling Tian, ikaw na ang bahala."

Tumalikod at lumabas si Li Ting, iniwan lamang ang kaniyang huling pangungusap. Halatang pinagkakatiwalaan niya si Duan Ling Tian ng walang kahit hibla ng pagdududa.

Habang tumatagal siyang ganito, mas bumibigat ang kalooban ni Duan Ling Tian.

"Bata, may paraan ka ba talaga?" tanong ni Li Huo.

"Grand Elder, mayroon akong medicinal formula para sa isang uri ng medicinal liquid. Hangga't ang katawan ni Li Xuan ay nakababad sa likido, makakaya nitong patagalin pa ang kaniyang mga buto ng isa pang buwan," sabi ni Duan Ling Tian.

"Anong mga materyales ang kinakailangan?" kukuha ako ng taong bibili ng mga iyon." Nagliwanag ang mga tingin ni Li Huo.

Walang atubiling isinulat ni Duan Ling Tian ang medicinal formula, kasama na ang sukat ng medicinal material. Sa oras na ito, wala siyang pakialam sa pagtatago ng kung ano, at isa lamang iyong mababang antas ng medicinal formula.

Tiningnan ni Li Huo ang medicinal formula at hindi mapigilang mamangha rito. "Kamangaha-mangha! Kamangha-mangha!"

"Grand Elder, ikaw na ang bahala."

Matapos sabihin ito, kumuha ulit si Duan Ling Tian ng isa pang Grade Nine Gold Injury Pill mula kay Li Huo bago umalis.

Nang maiuwi ang Grade Nine Gold Injury Pill at makumpirmang ang mga pinsalang natamo ni Ke Er ay hindi malala ay doon lamang siya nakahinga nang maluwag.

Kung may nangyari kay Ke Er, hindi niya mapatatawad ang kaniyang sarili.

Katulong ang Origin Energy ni Li Rou sa pagtunaw ng pill, ang mga pinsalang natamo ni Ke Er ay naghilom pagsapit nang gabi.

Ang mga pinsalang natamo ni Duan Ling Tian ay mas malala, kaya't kinakailangan niyang magpahiga ng ilang araw.

"Tian, ayos lang ba si Li Xuan?"

Nang malaman niya mula kay Ke Er na may mga pinsalang natamo rin si Li Xuan, nag-alala rin si Li Rou.

Kung hindi dahil kay Li Xuan, baka hindi niya na nakita ang kaniyang anak buong buhay niya.

"Ina, magiging ayos lang siya," seryosong sabi ni Duan Ling Tian.

"Naniniwala ako sa iyo." sabi ni Li Rou.

"Ina…."

Biglang tumingin si Duan Ling Tian sa kaniyang ina ngunit nag-aalinlangang magsalita.

Nais niyang itanong ang tungkol sa kaniyang ama na kailanman ay hindi pa niya nakikita, ngunit hindi niya alam kung paano magtatanong.

"Tian, bumalik ka na at magpahinga. Sasabihin ko sa iyo ang gusto mong malaman bukas."

Alam ni Li Rou ang iniisip ni Duan Ling Tian.

"Sige po."

Tumango si Duan Ling Tian bago bumalik sa kaniyang kwarto upang magpahinga.

Habang nakahiga sa kaniyang kama, nakatingin si Duan Ling Tian sa kisame. Ang kaniyang mga mata'y nanlalamig. "Noong una ay akala ko dahil sa aking kasalukuyang pag-angat ng aking cultivation at kasalukuyang natural na talento, hindi na babanggitin ang Fresh Breeze Town, kahit na ang mga lungsod sa labas, kaunti lamang ang kayang makipagkompetensya sa akin…"

"Ang Duan Ling Xing na iyan ay nasa bente anyos lamang, ngunit ang kanyang cultivation ay tumuntong na sa ika-anim na antas ng Core Formation stage. Kapag ginamit niya ang kaniyang buong lakas, kaya niyang kunin ang lakas ng langit at lupa upang makagawa ng walong ancient mammoth sillhouettes! Ngayong araw, kung hindi ko ginamit ang Spirit Serpent Movement Technique upang iiwas ang aking katawan sa eksaktong oras, ang unang tama ng kaniyang palad ay siguradong makapapatay sa akin!"

Sa pagkakataong ito, ngayon lamang napagtantanto ni Duan Ling Tian na mahina siya.

Kahit na nakaya niyang pumatay ng isang unang antas na Core Formation martial artist dahil sa swerte, wala siyang kapangyarihan na itatapat sa isang ika-anim na antas na Core Formation na si Duan Ling Xing.

Kahit na umatake siya gamit ang Drawing Sword Arts nang buong lakas, madali itong napatigil ni Duan Ling Xing.

Ang pagkakaiba nila sa cultivation ni Duan Ling Xing ay parang isang napakalalim na butas.

"Duan Ling Xing…"

Sa tuwing naiisip niya ang pangalang ito, hindi mapigilan ni Duan Ling Tian ang kaniyang sarili na magkaroon ng nag-liliyab na apoy sa kaniyang puso na naglalabas ng layuning pumatay na parang uhaw sa dugo.

Sa unang pagkakataon, malaki ang kagustuhan niyang pumatay ng isang tao.

Ang kagustuhang ito ay isang bagay na hindi niya naranasan sa nakaraan niyang buhay.

Paglipas ng ilang sandali, naisip niya ang tungkol kay Li Xuan.

Sa katotohanan, mula noong una, kahit na tinanggap niya si Li Xuan bilang nakababatang kapatid sa mundong ito, malayo pa rin ang loob niya rito.

Pagkatapos ng lahat ng ito, sa nakaraan niyang buhay, tinrahidor siya ng sarili niyang kapatid, dahilan para hindi niya magawang magtiwala sa isang taong tinatawag na "kapatid."

Pero sa oras na ito, si Li Xuan, hindi inisip ang kaniyang sariling buhay, ginamit ang kaniyang sariling katawan upang mapigilan ang nakamamatay na atake na iyon. Ito ay talagang humaplos sa puso ni Duan Ling Tian…

Sa pagkakataong ito, itinuring niya ng kapatid si Li Xuan!