Chereads / War Sovereign Soaring The Heavens (Tagalog) / Chapter 27 - Hindi Kayang Maipagtanggol Ang Sarili

Chapter 27 - Hindi Kayang Maipagtanggol Ang Sarili

Matapos bigyan ng titig ang matabang bata ay galit na nagsalita si Duan Ling Tian, "Punyetang mataba, iniisip mo ba na walang halaga ang mga inscriptions na makukuha mo ito kung kailan mo gugustuhin? Halos hindi ko pa kinukuha sayo ang bayad mo. Alam mo ba na nagkakahalaga ng tatlumpung pilak ang mga materyales ng Thunder Flame Inscription?!"

Ang inscription technique ay isang sining na naisasagawa sa pamamagitan pera.

Ang mga inscriptions tulad ng Thunder Flame Inscription ay itinuturing pa rin na mababang antas ng inscriptions.

Ang mga inscriptions na bahagyang may mas mataas na antas ay nagkakahalaga na agad ng ilang libo, sampung libo, o kaya'y pilak…

Inakala ni Duan Ling Tian na mahihiya ang matabang bata matapos nitong marinig ang mga gastos.

Gayunpaman, si Fifth Elder Li Ting, ang tatay ng matabang bata, ay nakatatanggap lamang ng dalawampung pilak kada buwan, kaya naman imposibleng payagan itong makapagbigay ng mataas na halaga pera.

Sa 'di inaasahan, matapos marinig ang sinabi ni Duan Ling Tian ay biglang tumawa ang batang mataba.

Ipinasok niya ang kanyang kamay sa kanyang bulsa at naglabas ng bunton ng perang papel na gawa sa pilak. Ang bawat isa sa mga perang papel ay nagkakahalaga ng isang daang pilak. Ibinigay niya ito kay Duang Ling Tian. "Boss, hindi ba't pilak lang ang kailangan? Lahat ng kayang masolusyunan ng pilak ay hindi problema! Siguro ay nagkakahalaga ito ng humigit-kumulang pitong daan o walong daang pilak; kunin mo ito lahat at dalhin mo dito ang Inscription Master para igawa niya pa ako ng inscriptions."

Nagulantang si Duan Ling Tian.

Sigurado siya na ang mga perang papel na gawa sa pilak na nasa kamay ng matabang bata ay hindi galing kay Fifth Elder Li Ting.

Nagkaroon ng limang daang pilak si Li Ting noong nakaraang araw matapos nitong pumusta sa kanya.

Subalit hindi pa rin lalagpas ng 1,500 na isang daang pilak ang kanyang kabuuang pera.

Sa kabilang banda, noong oras na nakikipaglaban siya kay Li Jie, makapupusta rin sana si Li Ting ng limang daang pilak kay Li Kun.

Tinanggap ni Duan Ling Tian ang perang papel na gawa sa pilak mula sa matabang bata ay nagtanong, "Li Xuan, saan mo nakuha ang lahat ng perang ito?"

Ang matabang bata ay labis na ngumiti ay lumiit ang dilat ng kanyang mata. "Binigay sa akin ito ng aking lolo bago ako bumalik sa Li family estate. Boss, pakiusap ko na sana 'wag mo sabihin sa aking tatay, kung hindi ay hindi ko na magagawang panatilihin ang balanse ng aking pera.

"Bukod sa mga perang papel na ito, mayroon ka pa ba?"

Si Duan Ling Tian ay natigilan at ang kanyang mga mata ay nagsimulang lumiwanag. Hindi niya inaasahan na ang matabang batang ito ay ganito kayaman.

"He he, mayroon pa ako."

Ang matabang bata ay may maligayang ekspresyon sa kanyang mukha. "Sabi sa akin ng aking lolo ay sulatan ko lamang siya kapag naubos ko na ang mga pilak na ito at papadalhan niya pa ako."

Bahagyang napangiti si Duan Ling Tian. Mukhang hindi ordinaryong tao ang lolo ng matabang bata kahit na kailanman ay wala siyang narinig tungkol sa taong ito.

Sa mga alaala ng nakaraang Duan Ling Tian, ang alam lamang niya ay namatay ang ina ng matabang bata dahil sakit, pito o walong taon na ang nakalilipas. Buhat noon, ang matabang bata ay sumama sa kanyang lolo.

"Sa pamamagitan ng mga baryang pilak, lahat ng bagay ay mapag-uusapan…"

Lumiit ang dilat ng mga mata ni Duan Ling Tian at inakbayan nito ang matabang bata. "Paano kung ganito, isusulat ko lahat ng materyales na kailangan para sa Thunder Flame Inscription at ikaw mismo ang bibili ng mga ito. Ang perang nandito ay ituturing kong kabayaran mo sa akin. Simula ngayon, uukit ako ng kahit ilang Thunder Flame Inscriptions basta ba'y maibibigay mo ang mga kinakailangang materyal. Anong sa tingin mo?"

"Boss, ang sabi mo ay ikaw ang uukit para sa akin… Huwag mo sabihin ikaw ang gumawa ng Thunder Flame Inscription?"

Biglang natigilan ang matabang bata matapos niyang maintindihan ang ibig sabihin ng mga sinabi ni Duan Ling Tian.

"Anong kwenta ng mga sinasabi mo? Basta ba'y maayos ang mga inscriptions, bakit kailangan mo pang malaman kung sino ang umukit?

'Di nagtagal ay inilagay ni Duan Ling Tian ang mga perang papel na gawa sa pilak sa kanyang bulsa, at tumalikod papunta sa courtyard upang isulat ang mga materyales na kailanga para sa Thunder Flame Inscription.

"Tignan mo ang mga materyales na nakalista. Bawat set ay maaaring gamitin upang maka-ukit ng Thunder Flame Inscription… Kailangan mo ring maghanda ng ilang kagamitan, bawat kagamitan ay maaari lamang maglaman ng isang inscription."

Sabi ni Duan Ling Tian nang ibigay niya ang listahan sa matabang bata.

"OK."

Kinuha ng matabang bata ang listahan na para bang isang mahalagang kayamanan, matapos ay tinignan niya nang maigi si Duan Ling Tian at siya'y nag-aalangang sabihin ang nilalaman ng kanyang isipan.

"Kung mayroon kang sasabihin ay sabihin mo na at umalis ka na!"

Galit na sabi ni Duan Ling Tian.

Sa mga nakaraang buwan, siya ay lubos na naiinis dahil sa matabang bata.

"Boss, Ako… Maaari ko bang matutunan ang inscription technique mula sa iyo?"

Ang matabang mukha ng matabang bata ay nanginginig na may ekspresyong puno ng pag-asa.

Nang mapansin na sumimangot si Duan Ling Tian ay agad na sinabi ng matabang bata, "Boss, kaya kitang bayaran ng tuition fess; hindi ako magpapaturo nang libre."

Tuition fees?.

Agad na napangiti si Duan Ling Tian at lumiwanag ang kanyang mga mata.

Ang pinaka kulang sa kanya ay pera. Kahit na mayroon siyang tatlumpung pilak, alam niya na sa oras na makarating siya sa Core Formation stage, hindi ito magtatagal at magagamit niya ang lahat ng ito.

Kahit ilang pilak ay hindi sasapat sa kanya, lalo na at siya ay may kakayahan sa maraming mga propesyon.

Mayroon siyang pagdalisay ng gamot, paggawa ng armas, pati na rin ang mga inscriptions.

"OK, dahil ikaw ay taos-puso, kahit na mahirap, maglalaan ako sayo ng kalahating oras para maturuan ka. Ang dami ng iyong matututunan ay lubos na nakasalalay sa iyo."

Tanging tanga lamang ang hindi kukuha sa perang nakahain na.

Inakbayan ulit ni Duan Ling Tian ang matabang bata at sinabi, "Dahil sa respeto ko sa Fifth Elder, sisingilin lamang kita ng isang libong pilak kada buwan. May problema ka ba doon?"

Matapos itong marinig ng matabang bata ay nagulantang siya.

Nang mapansin ang ekspresyon ng matabang bata ay inakala ni Duan Ling Tian na masyado itong mahal, kaya naman ay nahihiya siyang umubo at dahan-dahang sinabi, "Kung sa tingin mo ay masyado itong mahal, maaari pa rin naman natin itong mapag-usapan. Bahagya—"

"Masyadong mura! Boss, maraming salamat."

Ang matabang bata ay nasasabik na sumabat kay Duan Ling Tian.

Si Duan Ling Tian ay biglang tumahimik habang nakakaramdam ng pagsisisi. Talaga bang nagbigay siya ng sobrang murang kabayaran?

Nang makita niya ang matabang bata na hawak ang listahan at naglalakad paalis, pinigilan siya ni Duan Ling Tian at seryosong nagsalita, "Kahit ano pa ang mangyari, huwag mong ipapaalam sa iba na alam ko ang tungkol sa inscription technique, kung hindi ay kalimutan mo nang matututunan mo iyon mula sa akin."

"Huwag kang mag-alala, Boss. Hindi ko sasabihin kahit kanino, kahit patayin pa nila ako!"

Seryosong nangako ang matabang bata at nagagalak na umalis.

Kapag naiisip niya na patuloy niyang mahahadlangan si Li Ming sa hinaharap ay napupuno ng pagkasabik at kagalakan ang kanyang puso.

Napagdesisyunan niya na kumuha pa ng kahit sampu or dalawampung Thunder Flame Inscriptions upang siya ay magkaroon ng reserba.

"Ako, Li Xuan, ay mayroong magaling na pag-iisip. Nang kunin ko ang isang mahusay na tao bilang aking boss, bukod sa kanyang napakalakas na kapangyarihan, alam niya rin ang tungkol sa inscription technique. Napakaswerte ko!"

Bulong ng matabang bata sa kanyang sarili habang siya ay naglalakad pauwi sa kanilang tahanan upang kunin ang kanyang pera.

Naibigay niya na lahat ng kanyang perang dala kay Duan Ling Tian.

Nang umalis na ang matabang bata, bumalik si Duan Ling Tian sa courtyard at ipinagpatuloy ang pagtayo sa likod ni Ke Er. Ang kanilang mga katawan ay magkadikit habang tinuturuan niya ito sa kanyang Sword Drawing Arts.

Matapos ang dalawang buwan ng cultivation ay malapit na maging bihasa si Ke Er sa Sword Drawing Arts. Kulang na lamang siya ng kaunting ensayo.

Habang nalalanghap ang kaaya-ayang amoy ng buhok ng batang babae at nararamdaman ang init ng kanyang katawan. Si Duan Ling Tian ay natuliro. Siya huminga nang malalim dahil sa kagalakan.

"Anong ginagawa niyong dalawa?"

Isang natatawang boses na nasundan ng tunog ng paglakad ang biglang narinig sa kanilang likuran.

Nang marinig nila ang boses, nahihiyang umatras nang bahagya si Duan Ling Tian at dumistansya sa batang babae.

Ang batang babae ay may nahihiyang ekspresyon. Ang kanyang mukha ay labis na namumutla na tila ba may tutulong dugo rito anumang oras. "Madam!"

Ito ay eksaktong si Li Rou na kakauwi pa lamang galing sa marketplace.

"Ke Er, itigil mo muna ang pagcucultivate at tulungan mo muna ako. Bumili ako ng maraming bagay ngayong araw upang magbigay ng sustansiya sa inyong dalawa."

Iginalaw ni Li Rou ang basket ng gulay sa kanyang kamay habang siya ay nakangiti.

"Opo."

Agad na inalis ng batang babae ang hawak niyang ispada.

"Ina, kailangan mo ba ang tulong ko?"

Tanong ni Duan Ling Tian habang nakangiti.

"Umalis ka! Umalis at magcultivate nang maayos. Kahit na matagumpay kang nakarating sa ikapitong antas ng Body Tempering stage, si Fang Qian ay isang martial artist na nasa ikasiyam na antas ng Body Tempering, kung sakaling siya ay swertehin at maiwasan niya ang iyong Sword Drawing Arts, kung mangyari iyon ay tapos ka na."

Binigyan ni Li Rou ng isang mapanghamak na tingin si Duan Ling Tian at hindi ito pinansin.

"Young Master, nakarating ka na sa ikapitong antas ng Body Tempering stage?"

Tumingin ang batang babae kay Duan Ling Tian nang may masaya at nagulat na ekspresyon.

Tumawa nang malakas si Duan Ling Tian. "Ang aking Ke Er ay nasa ikaanim na antas na ng Body Tempering stage. Kung hindi pa ako nakaangat ay wala akong mukhang maihaharap.

Biglang lumungkot ang pagtitig ng batang babae at dahan-dahang sinabi, "Young Master, susubukan kong magcultivate nang mas mabagal.

Ngumiti si Li Rou, "Ke Er, huwag mo siyang pansinin, basta ay magsumikap ka lang at magcultivate. Tayong mga babae ay kailangang maging mas malakas sa mga lalaki para mahigitan natin sila… Kung ayaw mong ma-bully ka niya sa hinaharap, kailangan mong magmadali at higitan mo siya."

Matapos marinig ang sinabi ni Li Rou, ang batang babae ay namutla. Kinuha niya ang basket ng gulay sa kamay ni Li Rou bago ito pumunta sa kusina at nag-iwan ng isang imahe ng nahihiyang babae sa mata ni Li Rou at Duan Ling Tian.

"Bata, 'wag kang tamad!"

Tinitigan ni Li Rou si Duan Ling Tian bago niya sundan si Ke Er sa kusina.

Umiling si Duan Ling Tian at napangiti bago ito magpatuloy sa pagcucultivate.

Ang kanyang flexible na katawan ay tila ba naging isang spirit serpent nang mabilis itong pumunta sa courtyard.

Kasimbilis ng hangin at kidlat, ang kanyang bilis ay mas bumibilis pa sa bawat sandali.

Ang natural na talentong ipinakita ni Ke Er sa loob ng dalawang buwan ay napahanga si Duan Ling Tian.

Katulad niya, ang cultivation ni Ke Er ay nalagpasan din ang mga disipulo ng Li family.

Ngunit si Ke Er ay isa pa ring babae; ang ganitong antas ng natural na talento ay tunay na bihira.

Ayon sa kanyang ina, ang natural na talento ni Ke Er ay higit pa sa kanya.

Gayunpaman, ang pagkakaroon ni Ke Er ng isang mahusay na natural na talento at mabilis na cultivation ay ikinatuwa ni Duan Ling Tian.

Sa dahilang ito, kapag umalis na siya sa Fresh Breeze Town para libutin ang mundo ay maaari niyang isama si Ke Er.

Hindi siya sanay nang wala sa tabi niya si Ke Er.

Makalipas ang ilang sandali, ang dalawang maganda ay tapos na sa pagluluto ng isang mala-piyestang pagkain na katakam-takam na may isang malakas na aroma.

Ang pamilya ay umupo upang pagsaluhan ang pagkain. Habang nilalagyan nila ang kanilang mga pinggan ay nabalot ng kasiyahan ang paligid.

Kasabay nito, sa courtyard ni Second Elder Li Shing.

Si Li Shen ay nakatayo sa pintuan habang nakatingin sa kanyang anak na si Li Ming na nakahiga sa kama. Ang kanyang ekspresyon ay nabalot ng pagkabigo, "Tignan mo ang sarili mo. Kung si Duan Ling Tian ang gumawa sa'yo nito ay maiintindihan ko, ngunit binugbog ka sa ganitong kalagayan ni Li Xuan. Hindi ka ba nahihiya? Kasi ako nahihiya!"

"Ama, sinabi ko na sa'yo nang walong daang beses; dahil iyon sa side effects ng Thunder Flame Pill na bigla akong naapektuhan, kung hindi ay napunit ko na si Li Xuan hanggang hindi siya makilala!

Umupo si Li Ming sa kama habang ang kanyang ulo ay nakasandal sa pader. Mayroon siyang ekspresyong kaawa-awa at hindi niya mapagtanggol ang kanyang sarili.

"Tignan mo ang sarili mo, naghahanap ka pa rin ng palusot. Ang kuya mo ay kumain rin ng Thunder Flame Pill ngunit hindi ko naman nakitang naapektuhan siya ng side effects?"

Umiling si Li Sheng. Halatang hindi siya naniniwala kay Li Ming. "Kung hindi mo siya kayang talunin ngayon, magcultivate ka at talunin mo siya. Tumigil ka sa pagpapalusot, gawain yan ng mga duwag!"

Tumalikod si Li Sheng at umalis na nang matapos siyang magsalita.

Si Li Ming ay nakahiga sa kama. Kahit na ang bahagyang paggalaw ng kanyang katawan ay nasasaktan siya. Siya nagngangalit at galit na sinabing, "Punyetang mataba, kapag nanumbalik ang aking katawan. Tuturuan kita ng leksyon! Hindi ako naniniwala na ang kapalaran ay palaging pabor sa iyo."

Sa opinyon ni Li Ming, nanalo lamang si Li Xuan sa kanya dahil sa swerte.

Kung hindi siya naapektuhan ng side effects ng Thunder Flame Pill, magiging imposible para kay Li Xuan na talunin siya.

Kapag naaalala niyang hindi naniniwala sa kanya ang kanyang ama at kapatid ay tumatawa ito nang mapait. "Bakit hindi sila naniniwala sa akin? Pinag-isipan ba nila iyon? Iyong punyentang mataba, paano ko siya naging katapat?!"