"Tian!"
At biglang sumimangot si Li Rou. Napakalungkot niya noong malaman na gumawa ng desisyon ang kanyang anak nang hindi man lang siya kinokunsulta nito.
"Anong mga kundisyon?" Tanong ni Lie Jie habang nakatingin ito kay Duan Ling Tian.
Nakahanda siya sa kahit na ano pang kundisyon na ibibigay ni Duan Ling Tian, Basta pumayag itong makipaglaban sa kanya.
Ito na ang pinakamagandang pagkakataon para maipaghiganti niya ang kanyang nakababatang kapatid. Hindi rin niya palalagpasin ang nagawa nito sa kanyang kapatid!
"Simple lang ang aking kundisyon: Magtuos tayo sa susunod na buwan! Lalabanan lamang kita pagkatapos ng isang buwan. At kung natatakot ka o hindi pabor sa desisyong ibinigay ko ay walang problema. Hahayaan ko na lang din ito na para bang walang nangyari at hindi ka kailanman nagpunta rito upang hamunin ako."
Napakapayapa ng expresyon ni Duan Ling Tian noong panahon na iyon. Na para bang sigurado siyang papayang si Lie Jie sa kundisyong ibinigay niya.
"Sige, bibigyan kita ng isang buwan… Sana ay hindi magresulta sa takot ang panahong hiningi mo sa akin!"
Hindi nagdalawang isip si Lie Jie sa kanyang sinabi at nagpakita pa ito ng isang malamig na ngiti.
Kumunot ang noo ni Li Kun matapos nilang umalis sa tirahan nila Duan Ling Tian at sinabing "Maaari bang inantala niya ang inyong pagtutuos ng isang buwan dahil nakasisiguro siya sa kanyang sarili na kaya ka niyang talunin? Hindi ba't mukhang naging padalos dalos ang pagtanggap mo sa kanyang kundisyon kanina?"
"Ang basura ay mananatiling basura ama… At kahit na makumpleto niya man ang kanyang body tempering ay nasa unang antas pa rin siya ng Body Tempering Stage! Hinding hindi niya magagawang makatungtong sa ikalawang antas ng Body Tempering Stage sa loob lamang ng isang buwan" ang tumatawang sabi ni Li Jie habang ito ay punong puno ng tiwala sa kanyang sarili.
"Pero…"
Gusto pa sanang magpatuloy ni Li Kun sa kanyang pagsasalita ngunit naputol ito nang biglang magsalita si Li Jie
"Natatakot po kayo sa Collapsing Fist ni Duan Ling Tian hindi ba ama? Kung gayon ay maari na po kayong makahinga ng maluwag. Kahit na ang kanyang Collapsing Fist martial skill ay nabibilang sa Profound Rank o mas mataas pa rito, at kahit na makatungtong pa siya sa ikalawang antas ng kanyang Body Tempering Stage, Sa tingin niyo ba ay mapapantayan niya ang aking lakas sa pamamagitan lang ng isang Collapsing Fist?"
Napakalaki ng pagkakaiba sa lakas ng ikatlo at ika apat na antas ng Body Tempering Stage. Ang pagkakaiba ng dalawang ito ay umaabot sa higit na 100 pounds! Hindi na kailangan pang banggitin ang pagkakaiba sa pagitan ng ikalawa at ika apat na antas ng Body Tempering Stage…
"Masyado lamang nagiisip ng husto ang ama mo anak. Nahihilo lang siguro ako dahil sa kundisyon ng nakababata mong kapatid ngayon."
Matapos marinig ni Li Kun ang lohikal na paliwanag ng kanyang anak ay tumango ito at ngumiti ng bahagya.
Ipinagmamalaki niya ang kanyang panganay at kahit kalian ay hindi nito siya binibigo.
Matapos umalis ni Li Kun at ng kanyang anak ay napansin ni Duan Ling Tian na nakatitig sa kanya ang kanyang ina na si Li Rou ng may mga matang may bahid ng sama ng loob.
"Huwag po kayong magalala ina. Tiwala po ako sa sarili ko!" Madaling tugon ni Duan Ling Tian.
"Napapansin ko na ang mga pagbabago sa iyo Tian. Pero hindi nun ibig sabihin na kaya mo nang abutin ang mga bagay na hindi mo pa maabot! Kinikilala si Li Jie na isang henyo sa martial arts ng buong pamilya Li. Isa siya sa mga katangitanging miyembro para sa kaunlaran ng Pamilya Li. Kinikilala rin siya bilang pinakamalakas sa lahat ng may ika apat na antas ng Body Tempering Stage! Hindi siya maikukumpara sa kapatid niyang si Li Xin."
At nanghihinang nagbuntong hininga ito.
"Alam ko po ang mga sinasabi niyo ina. Maari niyo po bang pagkatiwalaan ako rito? Paniguradong mananalo po ako rito ina! Hinding hindi ko po kayo bibiguin!"
At tumingin si Duan Ling Tian sa kanyang ina ng may seryosong mukha.
"Lokong bata ka talaga. Hindi ako nagaalala sa kahihiyang idudulot nito. Nagaalala ako para sa iyo anak. Hindi kailanman gugustuhin ng iyong ina ang mga nangyari sa iyo ilang araw na ang nakalilipas… Halos iwanan mo na ako noon…"
Dahan dahang namula ang mga mata ni Li Rou habang ito ay nagsasalita.
Mukhang tumatak na sa kanyang puso ang nangyari sa kanyang anak ilang araw na ang nakalilipas.
"Ipinapangako ko po ina na hindi ko na kayo pagaalalahanin pa!" Seryosong sabi ni Duan Ling Tian.
"Sige anak, nagtitiwala ang ina mo sa iyo. Sana ay huwag kang mahihiyang magsabi sa akin kung ano ang mga kakailanganin mo ngayong buwan."
Bahagyang tumango si Li Rou habang pinipilit niyang ngumiti ng bahagya.
"Ibili niyo po ako ng mga sangkap sa paggawa ng gamot na binili niyo po noong isang araw. Kakailanganin ko rin po ang ilang piraso ng baryang pilak…"
Matapos makuha ang mga baryang pilak mula sa kanyang ina ay naglakad na ito palabas sa kanilang patyo at paalis sa kanilang tirahan.
Ito ang unang pagkakataon na aalis siya magisa mula noong makarating siya sa mundong ito.
Nahahati ang pamilihan ng Fresh Breeze town sa tatlong napakaiingay na mga eskinita sa pagitan ng tatlong mga pamilya kabilang ang pamilya Li. Ang puwesto ng pamilya Li sa pamilihan ay malapit sa kanilang ari arian sa hilagang bahagi.
Kasisimula pa lamang maglakad ni Duan Ling Tian sa pamilihan nang marinig niya ang malalakas na tawag ng mga tindero na nagtitinda ng kanilang mga produkto sa mga gilid ng eskinita. Napupuno naman ng mga nagkikinangang mga gamit ang mga tindahan sa gilid ng eskinitang ito.
Naramdaman ni Duan Ling Tian sa isang sandali na para ba siyang naglakbay papunta sa mga sinaunang panahon sa kanyang nakaraang buhay.
Makikita mo lang ang mga ito sa TV sa nakaraang buhay ko.
Kaliwa't kanang nagtingin si Duan Ling Tian habang naglalakad siya sa kalsada…
At noong marating niya ang pasukan sa tindahan ng sandata ng pamilya Li, nakita niya ang mga nagkikinangang mga sandata nito. Nagdalawang isip pa siya bago maglakad paalis sa bahagi ng pamilya Li sa pamilihan. Matapos nito ay naglakad siya papasok sa bahagi naman ng pamilya Chen, sa bahagi ng pamilihan na patungo sa timog kanlurang bahagi ng Fresh Breeze Town.
Isa ang pamilya Chen sa mga pinakamalalaking pamilya sa Fresh Breeze Town, Hindi ito nalalayo sa pamilya Li at pamilya Fang.
Bumuo ang tatlong pamilyang ito ng isang three-way power na pumipigil sa kahit na sino sa kanila na maging lamang sa isa't isa. At kahit na walang tumututol sa kanila ay napakapayapa sa Fresh Breeze Town at walang sinuman ang nagtangkang manlang at sirain ang kapayapaan doon.
At noong makapasok na siya sa tindahan ng sandata ng pamilya Chen, agad siyang binati ng nagtitinda rito. "Maaari ko po bang malaman ang inyong kailangan ginoo?"
Sabay ngiti ng nagbabantay sa kaniya.
Umiling naman si Duan Ling Tian at sinabing. "Hindi ako bibili ng kahit na anong sandata. Mayroon lamang akong kailangan na mga materyales mula sa iyo."
Nagulat ang nagbabantay noong marinig niya ang tugon ni Duan Ling Tian.
Ang mga manggagawa ng sandata ay sadyang naiiba sa mga panday na nagtatrabaho sa tindahan ng mga armas. Ang kanilang mga estado ay maihahalintulad din sa estado ng mga alchemists.
Ang bawat manggagawa ng armas ay isang indibidwal na nakikipaglaban para sa kanilang kakayahan at kapangyarihan!
Ang mga sandatang nilikha ng mga panday ay naututuring lamang na mga pangkaraniwang mga armas. Ngunit ang mga ginagawang mga sandata ng mga manggagawa ng armas ay maituturing na mga Spirit Weapons na may kakayahang palakasin ang attack power ng sino mang gagamit nito at nagreresulta sa mga gamit na sadyang kakaiba.
Ang bawat isa sa tatlong mga makapangyarihang pamilya sa Fresh Breeze Town ay may isang alchemist. Pero wala ang kahit na isa sa kanila na miyembrong gumagawa ng mga armas.
Ipinapakita lang dito kung gaano kahirap makakita ng isang manggagawa ng sandata!
"Puwede ko bang malaman ang mga materyales na kinakailangan ninyo upang makuha ko na agad?"
Napansin agad ni Duan Ling Tian ang pagbabago sa kilos ng bantay at hindi man lang nagpakita ng kahit na anong uri ng paggalang ang boses nito.
Hinulaan na lamang niya ang rason nang hindi humihingi ng paliwanag mula rito.
Ang mga materyales na kanyang binibili ay hindi para sa paggawa ng sandata.
Ang Rebirth Martial Emperor ay isang Royal Grade Craftsman. Kung kaya't ang lahat ng kaalaman at karanasan nito sa paggawa ng sandata ay nasa kanyang mga ala ala. Ngunit para maging isang manggagawa ng sandata, Kinakailangan niya munang maabot ang Core Formation Stage at mapalakas ang kanyang Origin Energy.
Sumusunod din sa parehong konsepto ang mga graded alchemist. Pero hindi na sila nangangailangan pa ng Origin Energy. Napakaimposibleng makalikha ka ng Pill Fire para mahinang mo ang ibang mga tabletang ginagamit sa panggagamot.
Sinabi niya ang siyam na uri ng materyales na kinakailangan niya sa loob lang ng isang hingahan.
Kinakailangan niya ang mga materyales na ito upang magsagawa ng inskripsyon.
Ang mga pamamaraan sa pagiinskripsyon ay isa sa mga pinakamadalang na mga pamamaraan sa buong Cloud Continent. Kadalasan itong nakaukit sa mga pangkaraniwang sandata o kung hindi kaya sa mga personal na kagamitan lamang.
Ang mga kagamitang may inskripsyon ay kayang magdala ng napakalakas na kapangyarihan.
At kahit na hindi kakaiba ang lakas at maituturing na iba't ibang klase lamang ito ng mga abilidad, kapag napakawalan na ang lahat ng lakas, ay mauubos na ang inskripsyon na inukit sa bagay na iyon na para bang isang bomba na tuluyang mawawasak kapag ito ay sumabog.
At natuklasan ni Duan Ling Tian na ang panahon kung saan pinakakilala sa buong Cloud Contineng ang mga pamamaraan sa pagiinskripsyon ay noong ikalawang buhay na ng Rebirth Martial Emperor.
Sakim na minaster ng Rebirth Martial Emperor ang mga mahahalagang pamamaraan sa pagiinskripsyon sa mga panahong ito.
Kinakailangan ng Three Lives Rebirth Technique ng Rebirth Martial Emperor ang sampung libong taon na nakahimlay ang kanyang kaluluwa bago ito mabuhay nang muli.
At dahil dito, may kakayahan lamang siyang maghanap ng katawang mapapasukan pagkatapos ng sampung libong taon.
Natapos na ang sampung libong taon at ang mga pamamaraan niya sa pagiinskripsyon ay dahan dahan nang nawawala dahil sa hindi malamang dahilan.
Ito rin ang dahilan kung bakit ang mga estado ng mga master sa pagiinskripsyon ay talagang napakalayo kaysa sa mga estado ng mga alchemist at mga manggagawa ng sandata.
Ang siyam na uri ng materyales ay kinakailangan ni Duan Ling Tian para makagawa siya ng isang mababang antas ng pagiinskripsyon.
"Ang mga materyal na ito ay nagkakahalaga ng pitong baryang pilak ginoo."
Ang natapos na bantay sa tindahan ng pamilya Chen ang paghahanda sa mga materyales at ibinigay ito kay Duan Ling Tian.
Matapos niyang makita ang pagalis ni Duan Ling Tian sa tindahan, Nagtungo ang bantay ng tindahan ng armas sa tirahan ng pamilya Chen.
Ang balitang mayroong isang maggagawa ng armas ang dumating sa Fresh Breeze Town ay isang balita na hindi niya dapat ipagwalang bahala at agad na sabihin sa ama ng pamilya Chen upang maiwasan ang pagbagsak nila mula sa dalawa pang mga pamilya.
"Hindi kakasya itong pera na hawak ko… dalawampung baryang pilak lang ang ibinigay ni ina sa akin at sa loob lang ng ilang saglit ay nagastos ko na ang kulang kulang sa kalahati nito."
Napakamot na lamang ng ulo si Duan Ling Tian at dumaan sa shortcut pabalik sa tirahan ng pamilya Li.
At habang dumadaan siya sa intersection na nagdudugtong sa tatlong pamilihan ng Fresh Breeze Town ay napansin niya ang isang grupo ng mga tao na nakapalibot at tumuturo sa isang bagay na nasa gilid ng kalsada.
At dahil sa kanyang pagiging mausisa ay napagpasyahan niyang tingnan kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga tao doon.
Isang babae na nakasuot ng panglamay na may mahabang buhok na nakapagbibigay akit sa kanyang mukha ang nakaluhod sa gilid ng kalsada.
At base sa kanyang pangangatawan ay mukhang nasa labinlimang taong gulang pa lamang ang dalagitang ito.
At sa harap niya ay may nakalagay na isang karatulang may nakasulat na: "Ibinibenta ko ang aking katawan upang maipalibing ko ang aking ina!"
Hindi niya maisip na ang isang tagpo na makikita niya lamang sa telebisyon sa nakaraan niyang buhay ay masasaksihan niya ng personal.
Bilang dating isang Hari ng mga Weapons Specialists, naramdaman niya agad ang naghihinagpis na aurang bumabalot sa katawan ng dalagitang ito.
"Hindi naman masama ang pangangatawan mo iha He he he… Itaas mo nga ang iyong ulo upang makita ko kung ikaw ba ay maganda, Bibilhin kita upang maging isang serbidora ko."
Sabi ng isang matabang lalaki na may pagkalakilaking tiyan na may maikling pasensya habang nakatingin sa nakaluhod na bata nang may bahid ng pagnanasa.
"Oo nga kung hindi mo itataas yang ulo mo, walang bibili sa iyo!" Sunod ng isang lalaki na nakatingin din sa dalagita.
"Itataas ko lamang ang ulo ko kung mayroon nang tao ang handang bayaran ang pagpapalibing ng ina ko" sabi ng babae habang ito ay nakayuko pa rin. Sobrang ganda ng boses nito na para bang isang oriole na kumakanta. Pero mahahalata rin ang pagiging matigas nito sa kanyang boses.
"Hindi na masama ang boses mo. Hindi ka siguro maganda kaya ayaw mong itaas ang iyong ulo. Ako ay…"
Natigil ang pagsasalita ng matabang lalaki noong marinig niya ang singhal na nag mumula sa hindi na makapagpigil na si Duan Ling Tian.
Lumakad si Duan Ling Tian sa dalagita at mahinhing sinabi na "Bibigyan kita ng sampung baryang pilak. Tumayo ka na at ipalibing ang iyong ina."
"Maraming salamat po Young Master."
Nanginig ang katawan ng dalagita habang itinataas nito ang ulo niya. Inalis din niya ang buhok na bumabalot sa kanyang mukha gamit ang kanyang makinis at payat na mga kamay.
Mayroon siyang napakakinis na kayumangging balat na kung saan makikita ang mura nitong edad. At ang kanyang napakagandang mukha ay napakasimple kahit na wala itong makeup.
Makikita rin sa ilalim ng kanyang mga maninipis na kilay ang pagkaganda ganda niyang mga mata na napuno ng pagluluksa. Makikita rin sa mga ito ang lakas ng loob na nagdulot ng pagkaawa para sa kaniya ng ibang tao.
Ang mala jade niyang ilong ay sadyang napakatangos at mayroon din siyang malambot at kaakit akit na mga labi na maguudyok sa kahit na sino na halikan siya.
Inisip din ni Duan Ling Tian, katulad ng matabang lalaki, na ang ang dahilan kung bakit ayaw itaas ng dalagitang ito ang kanyang ulo ay dahil sa hindi ito maganda. Pero sinong magaakala na ang batang ito ay may kaakit akit na kagandahan!
Kasabay ng kanyang napakagandang pangangatawan, katamtaman lang ang tangkad at payat pero siksik na katawan. Napakadali na lamang isipin ang magiging itsura niya paglaki… Siguradong isa siya sa mga kinahuhumalingan dahil sa kanyang angking kagandahan.
Nilunok ng mga lalaking nakapaligid sa kanya ang kanilang tumulong mga laway at ang mga mata nila ay napuno ng pagkasakim.
"Sampung baryang pilak lang ang ibinigay niya sa iyo. Bibigyan kita ng dalawampung baryang pilak! Sa akin ka na susunod mula ngayon."
Mabilis ding nagbigay ng mas mataas na presyo ang matabang lalaki nang malapit ng tumulo ang kanyang laway matapos sulyapan ang magandang mukha ng dalagita.
"Bibigyan kita ng 30!"
Tapat ng isa pang lalaki sa presyong inalok ng matabang lalaki.
"50 naman ang sa akin!"
"Kaya kitang bigyan ng 60!"
...
Nanlalamig na tiningnan ni Duan Ling Tian ang mga tao na sabik na sabik na nagpapataasan ng presyo para sa dalagita na para ba itong nasa isang auction.
Aalis siya agad kung pipiliin ng babae ang pinakamataas na magaalok sa kanya ng presyo. Anong klaseng tao ang hindi karapat dapat para sa tulong niya!