"Oo." Tumango si Duan Ling Tian.
Sa isang iglap, bahagyang lumabo ang kanyang paningin habang tinitignan niya ang halos perpektong kagandahan sa kanyang harapan.
Hindi na niya kailangan pang pag-isipan pa kung bakit nahulog din si Tian Wu - ito ay dahil sinundan siya nito kanina.
Sa sandaling ito, bahagyang bumilis ang tibok ng puso ni Duan Ling Tian. Nagawa niya lamang maging kalmado matapos ang ilang sandali.
"Ang posisyon ko sa kanyang puso ay higit pa sa sarili niyang buhay?" Bulong ni Duan Ling Tian sa kanyang sarili.
Sa parehas na sandali, ang tingin niya ngayon kay Feng Tian Wu ay mayroong karagdagang bahid ng pagiging marahan. Ito ay ang pagiging marahan na lumitaw lamang noon para sa kanyang dalawang nobya noon.