Hindi naman sa hindi naisip ni Duan Ling Tian na dumating ang tatlng matandang ito para kay Zi Shang, ngunit naramdaman niya na parang hindi makatotohanan ito.
Kahit na si Ning Can ay ang master ni Zi Shang, hindi siya maaaring kumilos para kay Zi Shang at kalabanin siya dahil lamang sa hidwaan sa pagitan nilang dalawa.
Kung gan'on man, magiging malaking biro lamang si Ning Can!
Hhindi na kailangan banggitin na siya'y tumawag pa ng dalawang Vice Fort Master ng Skywolf Fort, at ang isa sa kanila ay isang ekspertong nasa ika-siyam na antas ng Void Transformation Stage tulad ni Sword 13.
"Sword 13, nasa mabuting kalagayan naman ang kaugnayan ng Skywolf Fort sa iyong Blade Sect... Ngayong araw, basta ay ibibigay mo ang binatang ito, kami'y aalis agad! Sa hinaharap, kami'y magpapadala ng regalo bilang pasasalamat sa Blade Sect." Ang pananalita ni Meng Li ay mayroong tono na tila tinatakot si Sword 13.