Sa ilalim ng namamanghang tingin ng mga manonood, agad na umalis ang apat na heneral ng Dongguo Clan matapos uminom ng healing medicinal pills.
Ang direksyong kanilang patutungahan ay hindi sa Dongguo Clan.
Sa kasalukuyan, may isang bagay lamang sa kanilang isipan, at ito ay ang umalis at magpapakalayo-layo at huwag nang bumalik pa sa Ancient Desert City!
Sa ganitong paraan lamang nila maiiwasan ang pagpupumilit ng Dongguo Clan.
Ngunit kahit na umalis na ang apat na heneral ng Dongguo Clan, ang balitang pagkamatay ng Eldest Young Master ng Dongguo Clan ay nakarating pa rin dito.
Ang Dongguo Clan ay isa sa tatlong magigiting na angkan ng Ancient Desert City na kumokontrol sa ilang bahagi ng lungsod.
Sa pagkakataong ito, sa malawak na sapa na sakop ng Dongguo Clan Estate, isang matandang lalaki ang tahimik na nakaupo sa gilid ng isang pergola sa gitna ng sapa at ito'y nangingisda.