Hindi matagal, sina Duan Ling Tian at Feng Tian Wu ay dumating na sa ikapitong palapag ng Iceflame Pavilion.
Pagkatapos nilang makita sina Duan Ling Tian at Feng Tian Wu, ang dalawang di gaano katandang lalaki na bantay sa hagdan ng ikapitong palapag ay hindi maiwasang maglabas ng nagulat na ekspresyon.
Malinaw naman na hindi nila inakala na may dalawang batang tao ang makakaakyat sa ikapitong palapag.
Kung ang dalawang batang ito ay mayroong senior sa kanilang tabi, ang mga gwardiya ay hindi masosorpresa, ngunit ang problema ay walang nakasunod sa gilid ng dalawang batang ito.
Sa ibang salita, hindi bababa ang cultivation ng isa sa kanila sa ikaanim na antas ng Void Initiation Stage, samantala, ang pagdating nila sa hagdan ay ipinahihiwatig na gusto nialng pumunta sa ikapitong palapag.