"Paano kung 'di ako umalis?" Malamig na tumawa si Meng Ping, at ang maputla at payat niyang mukha ay puno ng nakasisindak na kabangisan.
"Eh 'di ang tanging magagawa lang namin ay ang galitin ka." Ang matandang babae na may dilaw na kasuotan ay humakbang pasulong, at ang kaniyang mga mata ay parang kidlat nang dumami ang kaniyang Origin Eergy bago gumalaw upang atakihing muli si Meng Ping.
Swish!
Tumusok si Meng Ping gamit ang kaniyang ispada. Kahit na muli niyang nasalag ang atake ng matandang babae na may dilaw na kasuotan, ang Origin Energy sa kaniyang katawan ay ganap nang naglaho, nagsasanhi sa kaniya na mapadura ng dugo nang paulit-ulit, at ang kaniyang katawan ay malapit nang bumagsak.