May mga pagkakataong nakararamdam ng matinding galit kahit na ang mga pinaka kalmadong tao.
Hindi maiwasan ni Duan Ling Tian ang kumunot ang noo dalit sa pag-uugali ni Zhang Shou Yuan.
Ito ang ikalawang kapatid ni Big Brother Zhang.
Sa sandaling iyon, isang voice transmission ang pumasok sa tenga ni Duan Ling Tian.
"Brother Ling Tian, ito ang aking ikalawang kapatid sa parehas na ama ngunit ibang ina. Simula pagkabata, hindi niya tanggap ang pagiging superyor ko sa kaniya at lagi niya akong pinahihirapan… Sa pagkakataon ito, ang aking biglaang pagdating ay nagdulot ng pagdilim ng kaniyang kasikatan at mas lalo pa siyang di nasiyahan."
"Ngunit mas mahina siya kung ikukumpara sa akin kaya hindi siya nangangahas na direkta akong labanan… Katunayan niyan ay ang trato niya sa iyo ngayon. Sinasadya niya itong gawin upang pahirapan ako kaya ipagsawalang bahala mo na lang ito."