Nang gabing iyon, pagkatapos kumain, bumalik si Duan Ling Tian sa kanyang silid.
Pagkatapos ng ibuhos ang Seven Treasures Body Tempering Liquid sa bath barrel, kinuha niya ang kanyang mga damit, umupo sa loob ng bariles, at isinara ang kanyang mata habang siya ay nagsimulang magcultivate.
Nine Dragons War Sovereign Technique, Spirit Serpent Form!
Habang lubos na sinisipsip ang medicinal strength ng Seven Treasures Body Tempering Liquid, malinaw na nararamdaman ni Duan Ling Tian na ang dugo sa kanyang katawan ay unti-unti na lumalakas habang ang kanyang katawan ay nakararanas ng pagbabago...
Nang matapos niya ang sipsip ng Seven Treasures Body Tempering Liquid, binuksan ni Duan Ling Tian ang kanyang mata.
"Ano ang nangyayari? Hindi pa rin ako nagtatagumpay sa panibagong antas"
Kumunot ang noo ni Duan Ling Tian. Ang kanyang mukha ay may isang nalilitong ekpresyon.
Sa loob ng nakalipas na kalahating buwan, sa bawat oras na sinisipsip niya ang Seven Treasure Body Tempering Technique, malinaw niyang nararamdaman ang mga pagbabago sa kanyang katawan habang ito ay dumadaan sa pagbabago.
Ngunit sa bawat oras na nararamdaman niya na malapit na siyang magtagumpay, ay hindi niya magawa.
"Posible ba na may kinalaman ito sa mental cultivation method ng Spirit Serpent Form?"
Mausisang hinagilap ni Duan Ling Tian ang mga alaala ng Rebirth Martial Emperor.
Mabilis niyang nakita ang sagot!
"P**a!"
Hindi mapigilan ni Duan Ling Tian ang kaniyang sarili na magsalita ng kabastusan.
Ang siraulong Rebirth Martial Emperor pala na iyon ay nagdagdag ng isang anumang bagay sa kanyang sariling nilikha na Spirit Serpent Form ng Nine Dragons War Sovereign Technique...
Ayon sa kanyang hula, kapag ang Spirit Serpent Form ay nacultivate sa ikasiyam na antas ng Body Tempering Stage , ang isang lakas ng tatlong ancient mammoth ay makakamit sa pamamagitan lamang ng lakas ng katawan!
Ang lakas ng tatlong ancient mammoth ay 30,000 Pounds.
Si Duan Ling Tian ay kasalukuyang nasa ika-walong antas ng Body Tempering Stage at mayroong lakas na 7,000 pounds, 2,000 pounds na mas malakas sa karaniwan na martial artist sa ikawalong antas ng Body Tempering Stage.
Ngunit sa ikasiyam na antas ng Body Tempering Stage, ay makakakuha siya ng lakas ng 30,000 pounds.
Ang isang ordinaryong martial artist sa ika-siyam na antas ng Body Tempering Stage ay mayroon lamang lakas ng 10,000 pounds.
Sa madaling salita, kapag siya ay pumasok sa ika-siyam na antas ng Body Tempering stage, siya ay tatlong beses na mas malakas kaysa sa karaniwan na ika-siyam na antas martial artist ng Body Tempering.
Ang lakas ng tatlong ancient mammoth!
Ang isang ordinaryong martial artist ay maaari lamang magkaroon ng ganitong uri ng lakas sa pamamagitan ng paggamit ng kaniyang katawan at Origin Energy kapag naabot niya ang ikalawang antas ng Core Formation stage.
"Hindi nakagugulat na hindi ako nagtagumpay; ito ay ang katangi-tanging kakayahan ng Spirit Serpent Form ng Nine Dragons War Sovereign Technique. Ito ay dahil sa Spirit Serpent Form na ang Seven Treasures Body Tempering Liquid ay patuloy na pinapagana ang potensyal sa aking katawan, na lumilikha ng isang pundasyon para sa akin na matagumpay na magkaroon ng lakas ng tatlong ancient mammoths kapag nagtagumpay ako sa ikasiyam na antas ng Body Tempering Stage."
Si Duan Ling Tian ay mapait na tumawa.
Gaano katagal kaya akong magtitiis bago bumaliktad ang alon…
Sa bukang-liwayway ng susunod na araw.
Nang lumabas siya sa kanyang silid, napansin ni Duan Ling Tian na naghanda ang kanyang ina ng isang masarap na almusal.
"Ina, ano ang masayang okasyon?"
Si Duan Ling Tian ay bahagyang nagulat.
"Tian, mukhang dapat mo hayaan na protektahan ka ni Ke Er… Si Ke Er ay nagtagumpay na sa ika-siyam na antas ng Body Tempering Stage kagabi."
Si Li Rou ay ikinurap ang kanyang malinaw na mga mata habang inaasar niya si Duan Ling Tian.
"Talaga?!"
Si Duan Ling Tian ay nagulat.
"Young Master."
Si Ke Er ay dahan-dahang lumabas sa kanyang silid.
Ang payat at kaaya-ayang dalagita ay tila nadagdagan ang kagandahan pagkatapos lamang ng isang gabi.
"Ke Er, mukhang kailangan mo na akong protektahan mula ngayon."
Si Duan Ling Tian ngumiti.
Ang pagtagumpay ni Ke Er ay isang bagay na inaasahan ni Duan Ling Tian.
Sa tulong ng Seven Treasures Body Tempering Liquid at Thunder Flame Pill, at natural na talento ni Ke Er, hindi nakakagulat na siya ay nagtagumpay.
Sa kabila ng lahat, ang Frost God's Sword Technique ay hindi kasing abnormal ng Nine Dragons War Sovereign Technique.
Matapos ang kanilang almusal, nagpaalam si Duan Ling Tian sa kanyang ina bago dalhin si Ke Er palabas sa lugar ng Li Clan.
Ngayon naman ay nagpaplano siya na manatili ng ilang gabi sa Misty Forest kasama si Ke Er.
Upang makakuha ng tamang pagsubok!
"Kung napansin ko nang mas maaga ang pagiging kakaiba ng Spirit Serpent Form ng Nine Dragons War Sovereign Technique, ay hindi ako mangangako ng labanan kay Li Zhong pagtapos ng kalahating buwan mula ngayon sa Clan Martial Meet."
Sa daan patungo sa Misty Forest, si Duan Ling Tian at natawa sa kanyang puso.
Naisip niya noong una na tiyak na siya ay magtatagumpay bago ang Clan Martial Meet.
Sa oras na iyon, naisip niya na pagkatapos niya magtagumpay sa ikasiyam na antas ng Body Tempering Stage, ay magkakaroon siya ng humigit-kumulang na 15,000 pounds ng lakas, na maihahambing sa lakas ng isa at kalahating ancient mammoth.
Kung ikukumpara kay Li Zhong, na nasa unang antas ng Core Formation Stage, magiging mahina siya ng ilang libong pounds lamang.
Kung aatake siya nang hindi inaasahan gamit ang Sword Drawing Arts, ay magkaroon siya ng magandang pagkakataon na matalo si Li Zhong.
Ngunit ngayon...
Ang ikasiyam na antas ng Body Tempering Stage ay malayong malayo pa.
Kung nais niyang hayaan ang kanyang katawan na magkaroon ng lakas ng tatlong ancient mammoth, kahit sa tulong ng Seven Treasures Body Tempering Liquid, ito ay nangangailangan ng kalahating taon upang matagumpay na maipon.
"Tulad nga talaga sinasabi nila 'huwag ka kumilos na parang ikaw ay dakila kundi ay tatamaan ka ng kidlat,'" [1] Sinabi ni Duan Ling Tian sa kanyang sarili.
"Young Master, ano ang sinasabi mo tungkol sa pagtama ng kidlat?"
Ang dalagita ay nalilitong tumingin.
"Wala... Wala...."
Duan Ling Tian ngumiti.
Ang pagpasok nila sa Misty Forest ngayon ay hindi na katulad ng dati; ang lahat ay tila madaling umunlad mula sa karanasan.
Pagkatapos ng paglalakbay sa pangangaso ng mga ligaw na hayop, si Ke Er at Duan Ling Tian ay dumating malapit sa panloob na lugar ng Misty Forest noong lumubog ang araw.
Ang mga ligaw na hayop sa paligid ng lugar na ito ay napakabangis; kung hindi dahil kay Ke Er na nagtagumpay sa ika-siyam na antas ng Body Tempering Stage, si Duan Ling Tian ay hindi maglalakas-loob na dalhin si Ke Er nang ganito kalalim sa loob ng Misty Forest.
Spirit Serpent Movement Technique!
Sword Drawing Arts!
Si Duan Ling Tian ay tulad ng isang spirit serpent, at ang kanyang Violet Meteorite Flexible Sword ay parang dila ng isang makamandag na ahas. Sa tuwing ito ay gagalaw, ay kukuha ito buhay ng isang ligaw na hayop.
Profound Rippling Steps!
Kumpara sa pagiging kakaiba ng mga kilos ni Duan Ling Tian, ang hitsura ni Ke Er ay tila mas kaaya-aya...
Nang gabing iyon sa Misty Forest, si Duan Ling Tian at Ke Er ay natulog nang lantaran.
Bilang isang pambihirang weapon specialist dati, ang pagtulog nang lantaran ay kasing normal ng pagkain para Duan Ling Tian.
Ngunit iba ito para kay Ke Er. Siya ay hindi mapakali hanggang sa malalim na ang bgabi nang sa wakas ay nakatulog siya habang nakikinig sa mga kuwento ni Duan Ling Tian.
Habang nakaupo sa isang punungkahoy, habang tinitingnan ang dalagita na malalim ang tulog, ang mga sulok ng mga labi ni Duan Ling Tian ay bumaluktot sa isang bahagyang ngiti.
Siguro ang buhay na ito ay hindi naman masama.
Sa bukang-liwayway ng ikalawang araw.
Pumasok sa tenga ni Duan Ling Tian ang ilang ingay.
Pitong tao, limang lalaki at dalawang babae, ay papalapit mula sa malayo.
Ang mga taong ito ay bata pa, sa edad na labing-pito o labing-walo.
Nang napansin nila si Duan Ling Tian at Ke Er, sila ay bahagyang nagulat dahil hindi nila inasahan na may mga taong mas bata pa kaysa sa kanila ang maglalakas-loob na magpalipas ng gabi sa Misty Forest.
Dagdag pa rito, sila ay dadalawa lamang.
Ang mga titig ng limang bata ay napunta kay Ke Er, nagpapakita ng bahagyang nag-aalab na titig.
Nang tumingin ang dalawang dalagita kay Ke Er, ang kanilang mga mata ay nagpapakita ng inggit.
Nang ang pito sa kanila ay dumating malapit kay Duan Ling Tian, isang matangkad na bata ang nagtanong, "Dapat ba isali na'tin sila upang tulungan tayo?"
"Baliw ka ba? Hindi ba ibig sabihin ng dalawa pang tao ay kailangan nating maghati ng dalawa pang bahagi? Isa lamang 'yang Black Python; madali lang itong patayin kapag nagtulungan tayong pito!" sinabi ng isang pandak na bata habang siya ay nakakunot ang noo.
"Oo nga, kung natatakot ka, hindi mo naman kailangang pumunta. Ang anim sa amin ay kayang paghati-hatian ito," sabi ng dalagita na nakabihis sa isang nabubunyag na damit at may isang mukha na nababalutan ng makeup.
Ang matangkad na bata ay natahimik.
Ang pito ay dinaanan si Duan Ling Tian at Ke Er, at naglakad patungo sa ibang lugar.
"Black python?"
Ang mga mata ni Duan Ling Tian ay nanliit.
Habang hinahagilap ang mga alaala ng Rebirth Martial Emperor...
Ang Black python, isang mabangis na hayop na nag-evolve mula sa isang ligaw na hayop. Ang lakas nito ay maihahambing sa isang martial artist ng Core Formation.
Pinagpapalagay ng iba na ang pugad ng black python ay may kayamanan na nabuo mula sa spirit qi ng langit at lupa. Mayroon doong mga bihirang medicinal materials, o bihirang mga ores, o kahit mga spirit fruits.
"Ke Er, sundan natin sila at tingnan kung ano ang mangyayari."
Sa pag-udyok ng sandali, sinama ni Duan Ling Tian si Ke Er at sinundan ang pitong mga tao mula sa malayo.
Ang pito ay mabilis na pumasok sa panloob na lugar ng Misty Forest.
Ang panloob na lugar ng Misty Forest ay buong taon na nababalot sa hamog, na ginawang hamog na maze ang buong kagubatan.
Habang papasok sila sa panloob na lugar ng Misty Forest, ang mga katawan ng pito ay dahan-dahan na naging malabo.
"P**a, nawala sila sa aking paningin."
Pagkalipas ng ilang sandali, napakunot ng noo si Duan Ling Tian.
Bang!
Sa sandaling ito, may malakas na tunog ang maririnig malapit sa kaliwa.
Si Duan Ling Tian at Ke Er ay tahimik na naglakad patungo sa tunog.
Ang nakita nila ay isang malaking multicolored tiger na nakikipaglaban sa pitong tao mula sa kanina sa gitna ng kapatagan
Ang multicolored tiger ay may napakalaking katawan, na labis na lumalagpas sa kung ano ang meron ang ordinaryong ligaw na tigre, at ang lakas nito ay nasa unang antas ng Core Formation Stage, sobrang mabangis.
"Ang apat sa kanila ay nasa ikasiyam na antas ng Body Tempering Stage.... Hindi nakapagtataka na sila'y maglalakas-loob na mangaso ng Black Python."
Habang tumitingin sa hugis ng ancient mammoth sa ibabaw ng tatlo sa mga bata at isa sa mga dalagita, ang puso ni Duan Ling Tian ay kumibot.
Sa wakas, sa kabayaran ng pagkapinsala ng isa sa kanilang miyembro na ikasiyam na antas ng Body Tempering, ang pito sa kanila ay napatay ang malaking multicolored tiger.
Pagkatapos ng kolektahin ng mahalagang balahibo at iba pang bahagi ng multicolored tiger, ang pito sa kanila ay nagpatuloy.
Sumunod si Duan Ling Tian at Ke Er mula sa malayo.
Sa wakas, sa harap ng isang tagong kuweba, tumigil ang pito.
"Ang black python ay nasa loob?"
Dinala ni Duan Ling Tian si Ke Er at nagtago sa pinakamalapit na puno, at nanood mula sa malayo.
Mabilis na nakita ni Duan Ling Tian ang isa sa pito na nagtapon ng bato sa kuweba.
Sa isang iglap, isang napakalaking hugis ang lumabas mula sa loob. Ito ay talagang isang napakalaking python na may itim na itim na katawan.
Ang black python ay higit sa sampung metro ang haba, na may isang pares ng malamig na malamig na mga mata, ang dila nito ay gumagalaw na parang kidlat.
"Tara!"
Ang mga katawan ng pito ay agad na gumalaw, na tumatakbo nang diretso patungo sa black python at umaatake gamit ang buong puwersa.
Whoosh!
Ang black python ay gumalaw rin, na parang naging kislap ng itim na kidlat. Gumalaw ang buntot nito ay pinatalsik palayo ang isang bata. Ang bata ay bumagsak sa lupa at nanghihina.
Biglang sumigaw ang matangkad na bata, "Hindi ito maganda. Ang black python na ito ay hindi lamang nasa unang antas ng Core Formation Stage!"
Ang dalagita na may makapal na makeup ay tumingin patungo sa batang may hawak na ispada habang siya ay sumigaw sa isang malambing na tinig, "Wang Dong, tusukin mo ang kaniyang kahinaan!"
"Kayo, panatilihin niyo siya ng ilang sandali!" Ang batang may hawak na ispada ay sumigaw sa isang mababang tinig habang nagsisimula siyang maghanap ng pagkakataon.
Ngunit ang bilis ng black python ay hindi isang bagay na maaari nilang ihambing sa...
Ang ulo ng isa pang bata ay mabilis na kinagat ng madugong bunganga ng black python. Ang buong mga pangyayari ay lubos na madugo.
Habang pinapanood ang mga pangyayari, ang mukha ni Duan Ling Tian ay hindi nagbabago.
Ngunit si Ke Er sa kaniyang tabi ay may napakaputla na ekspresyon at ang kanyang pihikan na katawan ay nanginig.
"Young Master, dapat ba natin silang tulungan?"
Ang mga mata ni Ke Er ay naglalabas ng bakas ng awa.
"Kung pupunta tayo upang tulungan sila, baka hindi nila gugustuhin, o baka isipin nila na gusto na'tin makibahagi."
Umiling si Duan Ling Tian.
Pagkaraan ng ilang sandali, sa tulong ng nalalabing limang tao na nakikipaglaban, ang batang may hawak na espada ay sa wakas nakakita ng pagkakataon at tinusok ang kahinaan ng black python.
Ngunit ito ay tila bahagyang mali ng tinamaan.
Bang!
Ang black python ay nagwala...
Ang natitirang lima ay namatay sa kagat o 'di kaya napalipad ng buntot ng python.
Nang sa ang huling tao ay napahiga doon nang walang buhay, ay saka lamang bumagsak sa lupa ang malaking katawan ng black python, ang mga mata nito ay may bakas ng pagkalungkot.
Whoosh! Whoosh!
Si Duan Ling Tian at Ke Er ay bumagsak sa lupa, at inani ang gantimpala ng paghihirap ng pito kanina. [2]
Sa sandaling ito, napansin ni Duan Ling Tian ang black python na itinaas ang kaniyang ulo at tumitig sa kanya. Ang matatalim na mga mata nito ay nagpapalabas ng nagmamakaawa na ekspresyon.
"Huh?"
Si Duan Ling Tian ay napigilan.
Ang black python ay biglang itinaas ang kanyang ulo at bumaling upang tumingin sa kuweba sa likod nito. Iniling nito ang kaniyang ulo na parang ito ay nagmamakaawa para sa kung ano.
Saka lamang noong pumasok siya sa kuweba ay naunawaan ni Duan Ling Tian kung ano ang nagmamakaawang pinapagawa sa kaniya ng black python.
Sa loob ng kuweba, bukod sa tatlong spirit fruit na nakabitin sa dalawang kakaibang halaman, ay dalawang bahagyang basag na mga itlog ng ahas at maaari nang mapisa sa anumang sandali ...
Mula sa tatlong spirit fruit, ang dalawa ay pareho, samantalang ang isa namang mas malaking spirit fruit ay bahagyang naiiba.
"Ito ay... isang Dark Spirit Fruit!"
Ang mga alaala ng Rebirth Martial Emperor ay nakita niya sa loob ng kanyang isip.
Habang tumitingin sa bahagyang malaking pulang spirit fruit, ang puso ni Duan Ling Tian ay nanginig at ang kanyang mukha ay naging pula.
[1](Paalala ng translator - Para itong matugmang kasabihan sa mga Tsino, kung saan ang salitang 'kumilos ng mahusay' ay bahagyang tugma sa mga salitang 'tinamaan ng kidlat' sa orihinal na tekstong Tsino. Ito ay parang isang impormal na kasabihan na nangangahulugang makakakuha ka gantimpala kapag ipinapakita mo ang iyong sarili sa iba na ika'y ay mas malakas kaysa sa iyong tunay na kakayahan. Kung gusto niyo malaman, ito iyon: 逼逼 & 雷劈.)
[2](Paalala ng tagasalin - ang idyoma/kasabihan na ang mangingisda ang umani sa gantimpala ay nangangahulugang ang pagkuha sa gantimpala ng paghihirap ng iba kung saan ay aking isinalin para dito. Ang dahilan para sa paalala na ito ay upang iklaro ang kahulugan ng pamagat ng kabanata.)