Chapter 45 - Shadow Sword

"Si Duan Ling Tian ay makakakuha pa rin ng karangalan kahit na siya'y matalo."

Gayunpaman, ang mga outer court disciples ng Li Clan ay hindi nalulungkot.

Sa kabila ng lahat, ang cultivation ni Duan Ling Tian ay nakalatag lamang doon, na mas mababa kamang ng isang antas kay Lin Qi.

Kung si Duan Ling Tian ay nasa ika-siyam na antas ng Body Tempering Stage, sa kanilang mga opinyon, tiyak na hindi magiging tugma si Lin Qi para kay Duan Ling Tian.

Kung edad ang pag-uusapan, si Duan Ling Tian ay mas bata pa kaysa kay Lin Qi ng isang taon.

Wala limitasyon ang kaniyang potensyal!

Nang maisip ng lahat ng tao maliban kay Ke Er na si Duan Ling Tian matatalo ni Lin Qi, nakarinig sila ng isang boses.

"Lin Qi, mag-iingat ka!" Ang tinig ni Duan Ling Tian ay biglang maririnig.

Whoosh!

Kasabay nito, ang sinag ng isang violet sword ay kumislap bago mawala muli.

Pilit na tumigil si Lin Qi. Siya ay tumingin sa Duan Ling Tian at may isang ekspresyon ng pangamba.

"Eh, gumamit ba si Duan Ling Tian ng isang espada ngayon lang?"

"Sa tingin ko, oo... Ngunit, wala siyang hawak na espada ngayon. Saan niya ito itinaago?"

...

Wala ni-isa sa mga outer court disciples ng Li Clan at Lin Clan ang nakakita kung paano iginuhit ni Duan Ling Tian ang kanyang espada, o kung saan niya itinago ang kanyang espada.

Kung hindi nila nakita ang kislap ng kaniyang espada, maaaring maisip nila na nakakakita lamang sila ng mga bagay-bagay.

"Lin Qi, ako ay aatake muli."

Ang tingin ni Duan Ling Tian ay bahagyang nakatuon at pagkatapos ay gumalaw siya.

Spirit Serpent Movement Technique!

Ang kanyang katawan ay gumalaw, lumilipad patungo kay Lin Qi.

Whoosh!

Lumilitaw muli ang liwanag ng violet sword, mabilis na kumislap bago maglaho sa isang iglap habang mabilis na umatras si Lin Qi.

"Sumusuko na ako!" Sinabi ni Lin Qi, sa isang bahagyang natatarantang boses.

Bukod kay Li Shi Shi at Ke Er, ang lahat ng taong naroon ay napipi.

Si Lin Qi ay sumusuko?

Ano ang nangyayari?

"Kapatid Qi, bakit sumusuko ka na? Malinaw na ikaw ay mas lamang."

Si Lin Wei ay tumingin kay Lin Qi sa isang nalilitong ekspresyon.

"Kung hindi ginagamit ni Duan Ling Tian ang kaniyang espada, ay baka matalo ko pa sa siya, ngunit kung gagamit siya ng espada, masasabi kong hindi ako isang tugma para sa kanya," sagot ni Lin Qi sa isang diretso at simpleng paraan.

"Duan Ling Tian, ​​ang bilis ng pagsasagawa mo sa sword skill na iyon ay nasa isang antas na mahirap abutin... Maliban kung sumailalim ako ng isang pangkalahatang pagtagumpay, hindi ko man lang kayang dumepensa laban sa isang pagguhit ng espada mula sa iyo."

Si Lin Qi at bumuntong-hininga at tumingin Duan Ling Tian sa isang kumplikadong ekspresyon.

Ang kagilas-gilas na sword skill ni Duan Ling Tian ay nagsanhi ng paghanga sa loob ng kanyang puso.

"Tinatanggap ko."

Si Duan Ling Tian ay tumango, bahagyang tumaas ang kanyang pagtingin kay Lin Qi.

Ito ay isang tao na kayang tumanggap ng pagkatalo.

Ang isang taong katulad nito ay tiyak na magiging katangi-tangi sa hinaharap.

Ang mga mata ni Lin Qi ay kumikislap nang maliwanag habang matapang niyang sinabi, "Ngunit magkakaroon ng isang araw kung saan matatalo ko ang iyong sword!"

"Maghihintay ako."

Si Duan Ling Tian ay tahimik na ngumiti.

"Tutuparin ko ang aking pangako. Maaari ka na ngayong umalis kasama ang iyong mga kamiyembro ng Li Clan."

Ang mga kilay ni Lin Qi ay kumibot.

"Paalam."

Tumango si Duan Ling Tian patungo kay Lin Qi bago sinamahan si Ke Er at ang mga tao sa outer court ng Li Clan upang iwanan ang pamilihan ng kalakalan, at naglakad patungo sa lugar ng Li Clan.

Ang mga nakapalibot na tao ay dahan-dahan ding na nangalat.

Sa kanilang mga puso, naaalala nila ang isang pangalan: Duan Ling Tian!

Ang Li Clan ay may ibang outer court disciples na ang lakas ay katulad o mas malakas kaysa kay Li Kuang.

"Kapatid Qi, hindi mo po ako sinasagot. Bakit ka sumuko nang walang dahilan?"

Kumunot ang noo ni Lin Wei habang nagtatanong siya na parang hindi siya susuko hangga't hindi niya nalalaman ito ng mas malalim.

Ang iba outer court disciples ng Lin Clan ay tumingin rin kay Lin Qi. Pareho ang kanilang tanong.

"Makikita niyo."

Si Lin Qi ay umiling, at pagkatapos ay itinaas ang kanyang ulo upang ipakita ang kanyang lalamunan sa mga tao.

"Tignan niyo..."

Ang mga outer court disciples ng Lin Clan ay hindi makapagsalita.

Malinaw nilang makikita na may isang puting marka ng espada sa lalamunan ni Lin Qi.

"Kung hindi siya nagpakita ng awa kanina, siguradong patay na ako."

Napabuntong-hininga si Lin Qi.

Ang mga mata ni Lin Wei ay kumutitap at paggalit niyang sinabi, "Kapatid Qi, paano naglakas-loob si Duan Ling Tian, na ​​isang simpleng disipulo ng Li Clan na may ibang apelyido, na gumamit isang nakamamatay na galaw sa iyo... Kung ako iyon, tatawagin ko ang mga inner court disciples ng Lin Clan para turuan siya ng aral."

Ang ekspresyon ni Lin Qi ay naging seryoso nang sabihin niya, sa isang matigas na tinig, "Binabalaan kita, Lin Wei! Mula ngayon, si Duan Ling Tian ay aking kalaban, at ako ang bahala sa bagay na ito. 'Wag kang magpakatalino!"

"Sige."

Ito ang unang pagkakataon na nakita ni Lin Wei si Lin Qi na galit, kaya mabilis siyang tumango at sumagot sa kanyang pagkilala.

Ngunit, nang ibaba niya ang kanyang ulo, ang kanyang mga mata ay maglalabas parin ng bakas ng kawalang-sigla at pagkagalit...

Si Duan Ling Tian at ang mga tao sa kanilang paglalakbay pauwi.

"Duan Ling Tian, ​​bakit biglang sumuko si Lin Qi?"

"Oo nga, hindi ko naman napansin na hindi siya lugi, kaya bakit bigla siyang susuko?"

"Duan Ling Tian, ​​mayroon bang tagong pangyayari na hindi namin alam?"

...

Ang mga outer court disciples ng Li Clan ay tumingin kay Duan Ling Tian na may mga nalilitong ekspresyon.

"Ano pangyari kaya ang pwedeng mangyari? Hindi mo lang nakita ito nang malinaw. Tigilan mo ang pagsasalita ng kung anu-ano."

Ang willow na hugis na kilay ni Li Shi Shi ay kumunot.

"Ate Shi Shi, maaari kayang alam mo ang dahilan?"

Sa isang iglap, ang lahat ng mga outer court disciples ng Li Clan ay nilipat ang kanilang mga tingin kay Li Shi Shi.

Saka lamang pagtapos tignan si Duan Ling Tian at napansin na hindi siya nagkaroon ng anumang hindi kasiyahan ay ipinaliwanag Li Shi Shi, "Hindi niyo ba napansin na may isang puting marka ng espada sa lalamunan ni Lin Qi? Nagpakita ng awa si Duan Ling Tian sa kaniyang pagguhit ng espada, tanging ang balat ng kaniyang lalamunan ang nahiwa. Kung ito ay bahagyang mas malalim, walang alinlangang siya ay patay na!"

Sa isang sandali, ang lahat ng mga outer court discples ng Li Clan ay natigilan.

Hindi kailanman nila naisip na si Duan Ling Tian ay napakalakas...

Hiwain ang lalamunan sa loob ng isang pagguhit ng espada!

Bagama't nakita ng ilan sa kanila si Duan Ling Tian na nagsasagawa ng kanyang sword skill, ang pagguhit ng espada na humiwa ng higit sa sampung bumabagsak na dahon, hindi nila naisip na ang sword skill ni Duan Ling Tian ay magiging napakasindak kapag ginamit sa aktwal na labanan.

Alam ni Duan Ling Tian na ang tanging dahilan ng pagiging maayos ng kaniyang pag-atake ay dahil siya ay umatake nang hindi inaasahan.

Ang Sword Drawing Arts na kanyang isinagawa ay hindi siguro mas mababa sa isang high grade Profound Rank martial skill sa yugto ng pagiging perpekto kapag umatake nang hindi inaasahan.

Ang mhs tao ay naghiwa-hiwalay matapos makarating lugar ng Li Clan.

Si Duan Ling Tian at Ke Er ay nagpaalam muna kay Li Shi Shi bago bumalik sa kanilang bahay.

"Nagtataka ako kung gusto niyang ituro sa akin ang Sword Drawing Arts."

Si Li Shi Shi ay palaging nakatuon sa mga sword skills at nagawa pang icultivate ang kanyang Low Grade Profound Rank Martial Skill, ang Shadow Sword, sa ang yugto ng pagiging perpekto.

Bilang isang disipulo ng family branch, kung gusto niyang gumaling sa kanyang mga sword skill, kailangan niya maghintay hanggang sa siya ay maging isang inner court disciple upang pumili ng isang middle grade Profound Rank skill mula sa ikalawang palapag ng Martial Repository Pavilion.

Sa kanilang panahon na magkasama, narinig niya mula kay Ke Er na ang Sword Drawing Arts 'ay maaaring maihahambing sa isang middle grade Profound Rank sword skill.

Kapag aatake naman nang hindi inaasahan, maaari naman ito ay maihambing sa isang high grade profound rank sword skill!

Nang sila'y makauwi, nagpunta si Duan Ling Tian sa kanyang higaan at pinalawak ang kanyang katawan.

Ang pagcultivate ng kaniyang movement technique at kasunod na napunta sa isang matinding laban kay Lin Qi ngayon ay nagdulot sa kanya na makaramdam ng bahagyang pagod.

Ang dalagita ay nakaupo sa gilid ng kama, malumanay na tumutulong sa kanya sa imasahi ang kanyang mga binti.

Buti naman!

Hindi mapigilan ni Duan Ling Tian na maglabas ng masamang hangin.

Napansin ni Duane Ling Tian ang pag-aatubili ng dalagita na magsalita, kaya nagtanong siya, habang nakangiti, "May problema ba, Ke Er? Ano, naiiisip mo parin ang sarili mo bilang isang tagalabas, 'di ba?"

"Young Master, si Ate Shi Shi ay inaasahan akong hilingin sa iyo kung nais mong turuan siya ng Sword Drawing Arts," sabi ng dalagita na may kaunting pag-aatubili.

"Iyan ay isang magandang ideya... Huwag sabihin sa akin na ang dahilan kung bakit siya nagsimulang tawagin kang kapatid ay upang ituro ko sa kanya ang Sword Drawing Arts?"

Ang mga mata ni Dian Ling Tian ay kumislap.

"Young Master,si Ate Shi Shi ay hindi ganoong uri ng tao."

Ang dalagita ay bahagyang umiling.

"Ngayon, Ke Er, gusto mo bang ituro ko ang Sword Drawing Arts sa kanya?" Tanong ni Duan Ling Tian habang nakangiti.

"Pakikinggan ni Ke Er ang desisyon ng Young Master."

Bahagyang nakangiti ang dalagita, ang kanyang pihikan na mukha ay medyo namumula.

Si Duan Ling Tian ay sandaling nag-isip ng tahimik bago dahan-dahang sinabi, "Ang kanyang low grade profound rank sword skill ay nacultivate na sa yugto ng pagiging perpekto, kaya't hindi ko siya masisisi na gusto na niyang magcultivate ng mas magandang sword skill. Dahil mabait siya kay Ke Er at inalagaan siya, tuturuan ko siya ng ibang sword skill... Para naman sa Sword Drawing Arts, hindi ko kailanman ipapasa ito sa hindi kapamilya!"

Ang dalagita ay ikinurap ang kanyang malinaw na mga mata habang nagtatanong, "Young Master, anong sword skill ang ituturo mo kay Ate Shi Shi?"

"Synchronous Shadow Sword!"

Ang sword skill na ito ay isang high grade profound sword skill.

Ito ay isa sa mga kumpletong sword skill na nakita ni Duan Ling Tian sa loob ng mga alaala ng Rebirth Martial Emperor.

Ito ay may katulad ngunit bahagyang naiibang epekto mula sa Overlapping Afterimages na isinagawa ni Lin Qi kanina, at ang lakas nito ay mas lamang.

Noong una, si Duan Ling Tian ay handang ituro ng isang middle grade Profound Rank sword skill kay Li Shi Shi.

Ngunit pagkatapos ng isang mabilis na pag-iisip, napagpasiyahan niya ang kabaligtaran nito.

Ang isa't kalahating buwan mula ngayon ay mangyayari ang taon-taon na Clan Martial Meet.

Batay sa kasalukuyang lakas ni Li Shi Shi, ang pagiging isang inner court disciple ay napakadali.

Ang pagiging isang disipulo sa inner court ay magpapahintulot sa kanya na makapasok sa ikalawang palapag ng Martial Repository Pavilion upang pumili ng isang middle grade Profound Rank martial skill.

Kaya hindi naman kailangan na turuan siya ng isang middle grade profound rank martial skill.

Pagkalipas ng ilang araw, isinulat ni Duan Ling Tian ang Synchronous Shadow Sword at initusan si Ke Er upang tawagin si Li Shi Shi.

"Synchronous Shadow Sword, isang high grade profound rank sword skill?"

Matapos makita ang sulat-kamay na aklat na isinulat ni Duan Ling Tian para sa kanya, ang kanyang malinaw na mga mata ay nanliit at siya ay nasasabik na ekspresyon.

"Dahil sa ilang mga kadahilanan, hindi ko maituturo sa iyo ang Sword Drawing Arts, kaya bibigyan na lang kita nitong sword skill na ito... Ngunit, mayroon akong isang kondisyon."

Habang nagsasalita siya rito, tinititigan ni Duan Ling Tian si Li Shi Shi.

"Anong... anong kondisyon?"

Sa sandaling ito, nadama ni Li Shi Shi na ang nag-aalab na tingin ni Duan Ling Tian ay parang sinisira ang kanyang mga damit, kaya ang kanyang tinig ay nagsimulang manginig ng kaunti.

"Hindi mo maaaring sabihin sa sinuman na ako ang nagturo sa iyo ng sword skill na ito. Tandaan mo, ang ibig kong sabihin ay kahit sino!"

Sinabi ni Duan Ling Tian sa kanya ang kanyang kondisyon.

"Siyempre!"

Si Li Shi Shi ay mabilis na tumango at siya ay buntong-hininga dahil sa kaluwagan sa kanyang puso.

Ayon lang pala ang kondisyon.

Akala niya...

Si Duan Ling Tian ay tumango kay Li Shi Shi at seryosong sinabi, "Maaari ka nang umalis."

Kiniskis ni Li Shi Shi ang kaniyang mga ngipin at nagpasalamat muli bago umalis.

Pagkatapos niya umalis, nakadama si Li Shi Shi ng pagkaulila sa kanyang puso.

Nag-alinlangan pa rin siya kung ang kanyang kagandahan ay walang epekto kapag nasa harap ni Duan Ling Tian.

Simula nang maging pamilyar si Duan Ling Tian sa kaniya, ​​hindi pa rin niya tinitignan siya nang maayos.

Ang kanyang pagiging mabait ay palaging para lamang sa dalaita sa kaniyang tabi.

Minsan, kahit siya ay hindi alam kung nakadarama ba siya ng paghanga o inggit.

Mula sa hindi malaman na oras, o marahil mula noong panahon na naisagawa niya ang Sword Drawing Arts sa kauna-unahang pagkakataon, ang anino ng lalaking ito ay lumitaw sa kanyang puso.

Nakahiga sa kanyang kama at nakatingin sa kisame, si Duan Ling Tian ay napatawa nang walang dahilan.

Ang pagiging kaibig-ibig na weapons specialist na palaging nagpunta sa isang bush ng mga bulaklak ngunit lumabas nang walang ni-isang dahon sa kanya, natural niyang mapapansin na ang maliit na damdamin na nadarama sa kaniya ni Li Shi Shi.

Si Li Shi Shi ay naiiba mula kay Ke Er, sa kabila ng lahat.

Sa buong mundo ni Ke Er, siya lamang ang naroon.

Ngunit si Li Shi Shi ay mayroong kanyang sariling mga pangarap upang ituloy; kahit na siya ay may damdamin para sa kanya, ito ay isa lamang dalisay, romansa ng isang dalagita.

Tulad ng isang batas ng kalikasan.

Ang isang kahanga-hangang lalaki ay palaging walang kahirap-hirap na makakaakit ng babae.

Siyempre, hindi ito nangangahulugan na kailangang maging tunay na matapat si Duan Ling Tian sa isang asawa lamang.

Kung nakilala niya ang isang taong tunay na nagmamahal sa kanya at handang ibigay ang lahat para sa kanya, at nagustuhan din niya ito, hindi niya ito papalagpasin.