Matapos magpaalam ni Duan Ling Tian kay Zheng Fan at Zheng Song, umalis na si Duan Ling sa Mizar Hall ngunit bahagyang mabigat ang pakiramdam niya.
Nakaramdam siya ng takot dahil sa pinanggalingan ni Zhao Lin.
Hindi nagtagal nang may naisip si Duan Ling Tian at siya'y nagbuntong-hininga dahil sa ginhawa. "Bakit ko ba iniisip 'yon masyado? Ayos lang na hindi ako pukawin ni Zhao Lin, pero kung gagawa man siya ng kaguluhan, ako na si Duan Ling Tian, ay hindi magpapa-api!"
Kumislap ang mga mata ni Duan Ling Tian.
Ngayon, ang kanyang Spiritual Force ay umabot na sa puntong nasa pagitan na ito ng Nascent Soul Stage at ng Void Prying Stage, at iilang hakbang na lang ay mararating na ng kanyang Spiritual Force ang Void Prying Stage!
Sa sandaling umabot na sa Void Prying Stage ang kanyang Spiritual Force, makakaya na niyang magsulat ng mas malakas na mga inskripsyon.
Mga inskripyon na sapat upang makitungo sa mga Void Prying Stage martial artist!