Ang ekspresyon ni Duan Ling Tian ay lubos na hindi kanais-nais, at wala na siyang iba pang mahihiling kung 'di ang punitin ang mga bibig ng mga disipulo na ito ng Megrez Peak...
"Humph!" Sa sandaling ito, isang malamig na singasing ang maririnig mula sa kalayuan at nakikit ng lahat ang isang 'di gaano katandang lalaki na papalapit na may malalaking mga hakbang.
"Elder Zhao Lin!"
"Elder Zhao Lin!"
...
Agad na tumahimik ang mga disipulo ng Megrez Peak nang makita nilang paparating si Zhao Lin, 'di na naglalakas-loob na tumalakay pang muli ng anuman.
"Anong tinitipon-tipon niyo rito?" Kumunot ang noo ni Zhao Lin, pagkatapos ay sinulyapan niya ang mga disipulo ng Megrez Peak na naroon gamit ang kaniyang mga mata. Ang kaniyang mga mata ay napunta naman kay Duan Ling Tian, at bahagyang nagulat bago ibato ang kaniyagn tingin kina Huo Xin at Yuan Wu na nakatayo sa harapan ni Duan Ling Tian.