"Pu!" Sa huli, kumulo ang dugo ni Zhao Lin at labis siyang napopoot kay Duan Ling Tian at sa grupo ng mga disipulo ng Megrez peak hanggang sa putnong dumura siya ng dugo!
Kumalat ang dugo sa lupa, nakasisilaw at marikit.
Lahat ng mga disipulo n Megrez Peak, kasama si Duan Ling Tian, ay natulala nang makita nila ang eksenang ito.
"Elder Zhao Lin, hindi ka namin nilinlang, hindi talaga…." Isa sa mga disipulo ng Megrez peak ang malokong tumingin kay Zhao Lin, ngunit hindi pa siya natatapos magsalita nang mapansin niya ang mabagsik na tingin ni Zhao Lin, at mabilis at masunurin niyang sinara ang kaniyang bibig.
"Ikaw… Magaling! Hahanapin kitang muli." Huminga nang malalim si Zhao Lin at dinaanan ng isang malamig at walang interes na tingin si Duan Ling Tian bago umalis.
Ang mga nakapalibot na mga disipulo ng Megrez Peak ay nagbigay daan.