Kahit si Gan Ru Yan ay pinanganak sa isang clan, hindi siya malapit sa kahit sinong miyembro nito. Ipinanganak siya sa Fire Worship Sect kasama ang kanyang kapatid. Sa pagkakataong iyon, ang kanyang kambal ay itinanghal na Saint Girl ng Fire Worship Sect habang siya naman ay natanggap bilang disipulo ng kanyang master. Sa mga taong lumipas, bukod pa sa kanyang master, tungkol lamang sa cultivation ang kanyang mundo. Wala man lang siyang interaksyon sa mga disipulo ng Fire Worship Sect. Nakaramdam lamang siya ng kaunting pagmamahal ng pamilya nang magtungo siya sa Lower Province at nang mahanap niya ang kanyang kapatid. Nang manganak ito, ang kanyang pagmamahal ay umabot rin sa pamangkin niya na tinuring na rin niyang anak.
"Si Ling…" Kahit alam ni Gan Ru Yan na hindi niya kayang labanan ang pagsasama nito at ng kanyang ama, hindi niya mapigilang malungkot. Tila ba hindi na siya kailangan ni Si Ling ngayon.