Matapos umalis ng tent, si Xiao Xun ay may mukha na puno ng galit. "Duan Ling Tian, sumosobra na ang Gu Xuan na iyon!"
Ang mga mata ni Duan Ling Tian ay nagpakita ng bakas ng liwanag nang ngumiti siya at sinabi, "Xiao Xun, may mga tao talaga na gustong ipahiya ang kanilang mga sarili, kaya hindi na kailangan na magalit ka sa kaniya."
Parehong natigilan sina Xiao Xun at Xiao Yu nang marinig nila ang sinabi ni Duan Ling Tian, at hindi nila naintindihan ang ibig sabihin ni Duan Ling Tian.
"Sa tingin niyo bang dalawa na ang pagsugod sa Souther Barbaric City ay ganoon kasimple? Antayin niyo lang na gawing tanga ni Gu Xuan ang kaniyang sarili… Humph!" Isang bakas ng pagkainis ang lumitaw sa mga sulok ng bibig ni Duan Ling Tian.