Noong narinig niya ang mga sinabi ni Li An, nabalot muli ng takot si Hong Xu.
Kahit na karamihan sa mga tao sa mundong ito ay makasarili kung saan ginagalang ang mga malalakas, para kay Hong Xu, ang kanyang clan ay mas importante kaysa sa kanyang buhay!
Ito ay dahil sa suporta ng kanyang clan kaya naabot niya ang kanyang mga naabot ngayon...
Kung hindi dahil sa kanyang clan na inalagaan siya gamit ang lahat ng mayroon sila, siya na mayroon lamang maputlang berde na innate Spiritual Root ay paniguradong hindi maaabot ang kanyang mga naabot ngayon.
Masasabi na ang kanyang mga naabot ngayon ay 30% na kagagawan niya at 70% mula sa kanyang clan!