"Hindi ganoon kapayapa rito," saad ni Wang Fei Xuan kay Duan Ling Tian sa sandaling maramdaman niya ang mga nagmamanman.
"Totoo nga. Hindi ganoon kapayapa." Tumango si Duan Ling Tian. Kanina niya pa napansin ang mga ito.
"Mula sila sa Zhao Clan. Base sa auras ng mga katawan nila. Masasabi ko na mas mataas sila sa Eminent Saint Stage. Mukhang ang Zhao Clan ay may plinaplano na sa'yo," saad ni Wang Fei Xuan, "Mag-ingat ka na ngayon." Nag-aalala siya kay Duan Ling Tian.
"Huwag kang mag-alala." Umiling si Duan Ling Tian. "Kahit na mula pa sila sa Zhao Clan, hindi sila maaaring bulgarang umaksyon sa akin dito sa estado ng Mystical Sky Mansion. Matapos ang lahat, sa mga patakaran ng Mansion Amster ng Mystical Sky Mansion na ginawa dito sa palasyo, hindi sila ganoon katapang upang suwain iyon para sa akin."