Siyempre, hindi alam ni Duan Ling Tian na ang balita tungkol sa pagkakaroon niya ng Devilseal Tablet ay umabot na sa mga tainga ng mortal na karibal ng kaniyang ama.
Pagkatapos no'n, nakapasok na siya sa distrito ng Greenwave Han Mansion.
Sa kaniyang paglalakbay, ginamit niya ang flying sword na ginaw ang kaniyang 10,00 Sword Territory upang pabilisin ang kaniyang paglalakbay. Sa sobrang bilis niya ay kaya niyang humabol sa isang Saint Stage powerhouse.
Sa ganoong mga pangyayari, hindi nakatagpo si Duan Ling Tian ng anumang gulo sa kaniyang paglalakbay.
"Sa tingin ko ay mas maganda para sa akin na magtanong muna para sa direksyon." Kahit na naabot na niya ang distrito ng Greenwave Han Mansion, wala pa rin siyang ideya kung nasaan siya sa kasalukuyan. At saka, hindi rin niya alam kung nasaan ang pangunahing residente ng ikalimang urng pwersa na Greenwave Han Mansion.