Ang isang Death Duel ay nangangahulugan na hindi sila makakapagpahinga hangga't walang namamatay sa kanilang dalawa!
"Diyos ko! Anong klaseng pagkamuhi ba ang bitbit ni Lin Dong, na siyang pinakamalakas na powerhouse sa Heaven Ranking na mula sa Lin Clan ng Southern Ridge Yuan Mansion, para kay Master Duan? Talagang nais niyang magkaroon ng Death Duel kasama si Master Duan!"
"Nakaraan, noong nagbigay siya ang hamon kay Master Duan, hindi niya sinabing magiging isa itong Death Duel. Ngayon na ipinahayag na niya ito, sa tingin ko'y magbabago ng isip si Master Duan kung hindi malakas ang loob niya, hindi ba?"
"Kalokohan na nais niyang maging isang Death Duel ito!"
Nang magising na sa katotohanan ang mga taong nasa kapitolyo ng Windfall Nation, nagsimula na silang magusap-usap.
Maraming mga tao ang nagsimulang mag-alala kung tatanggapin pa rin ba ni Duan Ling Tian ang hamon matapos niyang malaman na ang laban bukas ay magiging isang Death Duel.