"Bakit? Wala, dahil gusto ko lang…" Walang emosyong sinagot ni Duan Ling Tian, nagdulot upang halos masuka ng dugo si Deng Wei.
"Ikaw…" Galit na si Deng Wei. Magsasalita na siya sana ulit nang bigla siyang putulin ni Duan Ling Tian.
Tumingin si Duan Ling Tian sa paligid niya at sinabi sa lupon ng mga tao, "Mga kasama! Hinihiling ng Deng Wei na ito na mamatay na ako kahit na patas kong natalo ang kaniyang pamangkin at sinisisi niya ako dahil hindi siya nakapasok sa sekto. Noong araw na iyon, matapos niyang pumusta, inudyok niya pa ako sa pamamagitan ng Voice Transmission, sinasabi na ibabalita niya sa kaniyang pamangkin ang pagkamatay ko…Kung kayo ang nasa sitwasyon ko, ibabalik niyo ba ang Merit Points niya?" Ang boses ni Duan Ling Tian na nagtataglay ng True Energy ay kumalat at narinig ito ng lahat ng mga naroroon.
"Siyempre hindi!"