"Kung gan'on, ika'y aking hahanapin kapag ako'y nanalo, Deacon Deng." Ngumiti si Duan Ling Tian kay Deng Wei noong itinabi niya ang kontrata.
"Hihintayin kita." Isang pekeng ngiti ang lumitaw sa mukha ni Deng Wei kahit na puno ng panghahamak ang kanyang puso.
'Pag-uusapan lamang natin ito kung buhay ka pa matapos ang tatlong araw!'
"Naglabas ng maraming Saint Stone si Senior Brother Duan Ling Tian! 10,000 na seventh-grade na mga Saint Stone!"
"Kahit na isa akong outer court disciple na mula sa stone house disctrict, ako ay nakakatanggap lamang ng 100 na seventh-grade na mga Saint Stone kada buwan... 10,000 ba seventh-grade na mga Saint Stone... Kahit na hindi ko gamitin ang aking mga Saint Stone, kakailangan ko magtipid ng higit sa walong taon upang makuha ang ganoong bilang ng mga Saint Stone."