Napansin ni Duan Ling Tian na nagbago ang ugali sa kaniya ni Yang He matapos niyang matalo si Ceng Zhi. Siya'y mas lalong naging makumbaba.
Bagaman hindi sa puntong babaan niya ang kaniyang sarili, hindi siya kasing tulad noon.
Kaugnay nito, medyo umiling si Duan King Tian. Hindi na siya nagulat pa.
Sa Dao Martial Saint Land, ang mga malalakas na tao ay nirerespeto. Ipinakita niya ang sapat na lakas para durugin si Ceng Zhi. Ito ay sapat na para mag-alala ang outer court ng Moon Illumination Sect at katakutan ng mga outer court disciples.
At iyon ang kaniyang pangunahing layunin.
Kung hindi man, hindi niya na sana pa nilagay sa panganib at pagod ang kaniyang Spiritual Energy para gamitin ng dalawang beses ang Strange Pupil.
Ginawa niya iyon bilang isang pagpapakita ng kapangyarihan!