Pagkarinig ng City Governor ng Mound Hill City na tinanong siya ng ganoon ni Duan Ling Tian, nakaramdam siya ng hiya.
Sigurado na sana siyang hindi purong taong Martial Cultivator si Duan Ling Tian.
Subalit, ngayong may kasiguraduhan na sa harap niya, kinailangan na niya itong paniwalaan.
"Duan Ling Tian, maaari bang sabihin mo sa akin kung paano mo nagawang makatalo ng mga taong may mas matataas na lebel sa'yo?" Tanong ng City Governor ng Mound Hill City.
Sa oras na iyon, kasama na ang Heavenly Leader Guardian at ang Heavenly Hero Guardian, nagtinginan ang lahat kay Duan Ling Tian nang may kasamang mainit na pagnanasa.
Nagtataka rin sila sa bagay na 'yon.
"Master City Governor, tama ka sa isang bagay," sabi ni Duan Ling Tian sa Governor, "Iyon ay… totoo ngang mas malakas ang katawan ko kumpara sa ordinaryong tao."
Kumislap ang mga mata ng Governor.