"Ang limang araw sa loob ay katumbas ng isang araw sa labas?" Bumilis ang paghinga ni Duan Ling Tian nang marinig niya ang mga salita ni Elder Huo.
Ang time ration sa unang palapag ng Seven Treasures Exquisite Pagoda at ang mundo labas ay dalawa sa isa… Sa ikalawang palapag ng Seven Treasures Exquisite Pagoda, ang ratio dito ay tatlo sa isa.
At ngayon, ang time ratio sa ikatlong palapag ng Seven Treasures Exquisite Pagoda ay nakaabot na sa lima sa isa!
'Nangangahulugan ito na kung magcucultivate ako sa loob nito sa tagal ng limang buwan, tanging isang buwan lamang ang makakalipas sa labas. Ang pagcultivate ng isang taon sa loob ay gugugol lamang ng dalawang buwan at sampung araw sa labas.' Nakaramdam si Duan Ling Tian ng ragasa ng emosyon nang maisip niya ito.
Subalit, nagising siya sa katotohanan nang may naisip pa siyang isa pang bagay.