Si Elder Huo mismo ang pinakamagandang halimbawa.
Kahit na nagawa niyang makapagbukas ng hanggang sa 87 na Saint
Veins, hindi niya pa rin kayang tapatan si Gautama na nakapagbukas
ng 85 Saint Veins.
Kahit na ang kaniyang natural na talento ay mas malakas kumpara
kay Gautama ng isang buong antas, ang kaniyang comprehensive
strength ay lubhang nahuhuli pa rito. Kung hindi, malamang ay hindi
siya nakulong sa loob ng Seven Treasures Exquisite Pagoda at naging
ang pagoda spirit.
Sa pagkakarinig ng mga salita ni Elder Huo, tumango si Duan Ling
Tian.
Matagal na niyang narinig ito mula kay Xue Nai.
Bukod sa Saint Veins, mayroon pang nakaparaming mga aspeto na
nakakaapekto sa lakas ng isang tao.
"Kaya, lumalabas na karamihan sa mga karakter mula sa ancient
mythology sa nakaraan kong buhay ay hindi nagmula sa Earth." Sa
panahon na iyon, napagtanto rin ni Duan Ling Tian na 50% lamang ng